Kabanata 23

2.2K 56 0
                                    

"Good afternoon Maam." nakangiting bati sa kaniya ng mga empleyado ni Shunichi.

Ngiti at tango lamang ang ibinigay niya sa mga ito. Nahihiya kasi siya dahil parang siya ang nagpapasweldo kung tratuhin siya ng mga ito.

Nariyang pagbaba niya ng kotse, kaagad na lalapit sa kaniya ang guard pagkatapos ihahatid siya nito sa elevator. Pagbukas naman ng elevator at may nakapansin sa pagdating niya yuyukuran siya ng mga ito bilang pagbati.

Minsan niya nang natanong ang mga ito kung bakit ginagawa ng mga ito iyon. Paggalang daw sa asawa ng boss nila ang kadalasan nilang sagot.

Kahit nahihiya ay natutuwa pa rin siya dahil binibigyan siya ng halaga ng mga ito. Minsan pa nga kapag nasa meeting si Shunichi at naghihintay lamang siya sa opisina ng nobyo, biglang papasok ang iba sa empleyado nito na may dala-dalang iba't ibang pagkain.

"Hi Maam Rian. Nasa loob po si Sir, may kausap lang po, pero pwede naman po kayong pumasok." nakangiting sabi sa kaniya ng sekretarya ni Shunichi.

Palagay ang loob niya rito, dahil iba ito sa mga sekretaryang na iimagine niya sa isip. Wala itong HD kay Shunichi.

"Hihintayin ko na lang na matapos." sagot naman niya rito at naupo sa upuang malapit sa lamesa ng sekretarya ni Shunichi.

Ilang minuto lamang siyang naghintay na matapos ang pag-uusap ni Shunichi at ng bisita nito.

Nagulat siya nang lumabas ang bisita ng binata. Parang gusto niyang manampal sa mga oras na iyon.

Tumingin lamang sa kaniya si Diane at nakayuko ang ulong nilagpasan siya nito.

Nagtataka man ay hindi pa rin nabawasan ang inis na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

"Babe!" tawag sa kaniya ni Shunichi nang makita siya nitong pumasok. Lumapit ito at humalik sa kaniyang pisngi.

"Bakit nandito ka?" nakangiting tanong nito habang inaalalayan siya nitong makaupo sa sofa na naroon.

"Gusto kitang makita, nakakabagot sa bahay eh." sabi niya rito habang nakakunot pa rin ang noo. Napansin iyon ni Shunichi kaya ginaya siya nito.

"Bakit?" tanong nito sa kaniya.

"Bakit pumunta dito si Diane?" tanong niya rito.

"Humingi siya ng sorry, ayaw daw niyang madamay sa ginawa ni Bryan sa atin. Nagmakaawa siyang 'wag daw siyang ipakulong." nakakaintinding tumango siya rito.

"Akala ko naman kung ano na." bulong niya na ikinatawa ni Shunichi.

"Babe, hindi kita niloloko kung 'yan ang nasa isip mo. Hindi ko kayang gawin 'yon sayo." sabi nito sabay halik sa kaniya at sa tiyan niyang malaki na rin.

"May tiwala naman ako sayo, kaya lang si Diane 'yon eh. Hindi ko maiwasang kabahan kapag nakikita ko siya." nakalabing sabi niya rito.

"Wag kang mag-alala, kahit sino pang babae ang makilala ko, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko." sabi nito sabay yakap sa kaniya. Napangiti siya ng malaki dahil sa sinabi nito.

"Wala ba akong kiss?" tanong nito. Wala pa man siyang isinasagot ay mabilis na siya nitong hinalikan sa labi.

Napaungol siya nang kagatin nito ang kaniyang pang-ibabang labi.

"Ang pilyo mo talaga kahit kailan." natatawang saway niya rito at pabirong hinampas ito sa braso.

"Ang tagal kasing lumabas ni Baby." malaki ang ngiting sabi nito.

"Loko-loko." sabi niya kay Shunichi.

Pinahatid lamang siya ni Shunichi pauwi. Magagabihan kasi ito dahil nagkaroon ng emergency meeting.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon