Wakas

4.1K 125 12
                                    

"Dad, why are you crying?" tanong ni Wade sa kaniya.

Mabilis niyang sinalat ang kaniyang pisngi. Umiiyak na pala siya di niya man lang naramdaman.

"Dad, please don't cry, malulungkot din si Mommy." naluluha na ring sabi ni Rage sa kaniya.

Ibinaba niya ang photo album na hawak at tumingin sa dalawa. Katatapos lang niyang ikwento sa mga ito ang kwento niya at ng mommy ng mga ito.

Masuyo niyang niyakap ang kambal niyang anak.

"Masaya lang ako na kasama ko kayo." sabi niya sa dalawa.

"I love you daddy." sabay na sabi ng dalawa.

"How about your mom? Do you love her too?" tanong niya sa mga ito. Pilit niyang pinipigilan ang pagpiyok ng boses.

Halos limang taon na pala. Namimiss niya na si Rian, namimiss niya na ang mga yakap nito, ang boses at ang mga halik nito.

"Of course we love mommy too. And grandma, and grandpa and lolo and lola, and, and Uncle Chrome, Aunt Zer--" niyakap niya ng mahigpit si Wade, mukhang gusto yatang banggitin ng anak ang lahat ng kilala nito.

"Daddy, can we visit mom? We didn't visit her last week eh." sabi sa kaniya ni Rage habang tinitingnan nito ang litrato ni Rian.

Hindi nila nadalaw si Rian noong nakaraang linggo. Dumalo kasi sila sa anniversary ng kompanya nila.

"Oo naman, gusto niyo ba ngayon na?" tanong niya sa dalawa. Masayang tumango naman ang kambal sa kaniya.

Natutuwa siya dahil maayos ang pagpapalaki niya sa kambal. Baka pati si Rian ay matuwa kung malaman nitong naalagaan niya ng sabay ang dalawa na walang tulong na nanggaling sa kanilang mga magulang.

Oo, inaamin niya na mahirap ang magpalaki ng anak. Pero 'yon ang pinili niya, masaya siya sa ginagawa niya. Noong una ay pinipilit siya ng mga kaibigang kumuha ng makakatulong, pero umayaw siya. Baka mas lalo lang niyang mapabayaan ang mga anak.

"Lets go dad!!!" tawag sa kaniya ng dalawa. Natulala pa kasi siya sa malaking painting sa kanilang sala.

"Rian." bulong niya at pinigilang tumulo ang luha.

Kaagad siyang lumapit sa mga anak at hawak kamay niya itong dinala sa kotse.

"Para kanino po ba ito sir?" tanong sa kaniya ng babaeng nag aarange ng mga bulaklak na binili niya sa isang flower shop na nadaanan nila.

"Para sa asawa ko." mahinang sabi niya rito. Dadalhan niya ng bulaklak si Rian, sana ay magustuhan nito ang mga iyon.

Pagkatapos maayos ang mga bulaklak ay kaagad na silang umalis.

"Dad, mabait po ba si mommy?" biglang tanong sa kaniya ni Rage. Ngumiti siya rito at tumango.

"Gusto kong makasama si mommy." napatigil siya sa pagdadrive ng marinig ang mahinang hikbi ni Wade.

Parang may kung anong sakit siyang naramdaman sa dibdib nang marinig ang iyak ng anak. Maging si Rage ay tahimik na lumuluha sa tabi ng kapatid nito.

Pinatahan niya muna ang dalawa bago nagpatuloy sa pagmamaneho.


"Shun!" nakangiting mukha ni Veron ang sumalubong sa kanila.

"Hi Tita Veron!" nakangiting sabi ng mga anak niya.

"Hello kids. Ang gagwapo ah." sabi ni Veron sabay halik sa dalawa.

"Bakit nandito ka?" tanong niya sa kaibigan.

"Binisita ko si Rian, kakaalis lang ni Huedrex." sabi nito.

Maya-maya lamang ay nagpaalam na ito, may mga importanteng bagay pa raw itong aasikasuhin.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon