Kabanata 7

2.4K 73 4
                                    

Habang nasa garden ay tahimik lamang siyang nagdidilig ng halaman. Napapangiti siya sa tuwing naaalala ang huling pagkikita nila ni Shunichi.

Bigla niyang nahawakan ang labi. Para siyang baliw habang nagdidilig ng halaman. Halos malunod niya pa ang iba doon dahil lumilipad ang isip niya kay Shunichi.

Nasa opisina ito ng araw na iyon. Ang Maam Zerine naman niya ay umalis rin papunta sa shop nito.

"Anong nginingiti mo riyan?" napasigaw siya at naitutok ang hose sa pinsang si Lilibeth. Kaagad naman niya iyong iniiwas nang mapansing basang-basa na ito.

"Bakit ka ba kasi nanggugulat?" tanong niya sa pinsan at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Nag-aalala lang naman ako sayo. Para ka kasing timang riyan na ngumingiti mag-isa." nakangising sabi nito sa kaniya habang inaayos ang damit na nabasa.

"Nagagandahan kasi ako sa mga bulaklak, kaya wag kang ano riyan." palusot na lamang niya.

"Naku Andrian, sabay tayong lumaki kaya alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi." sabi nito at nakangising tumitig sa kaniya. Totoo ang sinabi ni Lilibeth. Halos kilala na nito ang buo niyang pagkatao. Kaya madali na lamang dito ang malaman kung nagsisinungaling ba siya o hindi.

Sasagot na sana siya nang may tumikhim sa likuran niya. Sabay silang napatingin sa bagong dating na si Shunichi. Napakagwapo nitong tingnan sa damit nitong pang-opisina.

Napangiti siya nang makita ito, gumanti naman ito ng ngiti sa kaniya bago sumulyap kay Lilibeth.

"Ah, alam ko na. Sige mauuna na ako." nang-aasar na sabi nito sa kaniya.

Nang makaalis ang pinsan ay kaagad siyang tumingin kay Shunichi na nakatitig lamang sa kaniya.

"Namiss kita." namula siya sa sinabi nito.

Halos isang linggo na kasi nang huli silang magkausap. Naging abala kasi ito sa trabaho.

Hindi niya ito masagot, parang nawalan siya ng boses dahil sa kilig.

"Hey, hindi mo ba ako namiss?" tanong nito at lumapit sa kaniya.

"Namiss rin kita." mahinang sabi niya rito. Ngumiti naman ito sa kaniya at hinawakan siya sa pisngi. Palagi nitong ginagawa iyon.

"Magbihis ka, may pupuntahan tayo." sabi nito sabay halik sa noo niya bago umalis.

Kaagad niyang sinunod ang sinabi nito at mabilis na tinungo ang kwarto para magpalit ng damit. Isang simpleng blouse at pantalon lamang ang sinuot niya. Iyon lang ang maayos niyang damit. Mabuti na lamang at nagyaya ang mga pinsan nya na maggala noong binigyan sila ng day off ng among si Zerine. Nabili niya iyon sa isang tindahan sa mall.

Nang masiyasat ang sarili sa salamin ay kaagad siyang naglagay ng pulbo at liptint. Tama na iyon sa kaniya. Hindi naman siya palaayos.

Nakasalubong niya si Alona bago siya makalabas ng bahay. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

"Saan ka pupunta? Bakit nakaayos ka?" takang tanong nito. Bago pa man siya makasagot ay sumulpot na si Lilibeth.

"May date yan, kaya 'wag mo nang harangin. Sige na Rian, baka kanina pa naiinip yung prince charming mo." nang-aasar na sabi nito.

Tinarayan lamang niya ang dalawa nang magsimula ang mga itong tumawa.

Paglabas niya ay naroon na si Shunichi. Nakangiti itong lumapit sa kaniya at iginiya siya sa sasakyan.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya rito pagkapasok nito sa kotse.

"Basta." sagot nito habang ikinakabit ang seatbelt niya. Pagkatapos nitong maayos iyon ay mabilis siya nitong hinalikan sa labi. Nahampas niya naman ito ng mahina dahil sa pagkagulat.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon