Kabanata 13: (RH) Here Without You

1K 69 0
                                    

Rhacie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Rhacie

"It's your turn." Ani pres at pinapasok na kami ni Kier sa loob

Tila tahimik at walang tao kaya naman kampante ako. Siguro ay busy na ang ibang estudyante sa mga dumaan kanina. At syempre di rin mawawala ang posibilidad na takot sila sa amin ni Kier dahil nababalita na magaling kami sa self defense. Baka natatakot silang harangin kami.

"Dalian mo Kier! Five minutes lang!" Sabi ko dahil ang bilis kong maglakad at siya naman ay nakasunod lang sa likod ko.

"Let's take our time." Aniya kaya napatigil ako dahil sa sinabi niya. Nakakainis siya. Nabubuwisit ako sa kanya. Napepressure ako sa oras samantalang chill lang siya!

Tumigil ako sa paglakad at humarap sa kanya. "Ano ba Kier!" Pagkasabi ko nun ay lumapit ako sa kanya at hinila siya sa pulsuhan. Tumakbo ako, kaya maging siya ay napatakbo na rin. Nakaladkad ko kasi.

"Saglit lang ang five minutes Kier!" Naiinis kong sabi sa kanya.

"Kailangan din nating mag ingat. Pag nagmadali ka, lalo kang mapapatagal." Aniya. Nabubuwisit na talaga ako. Bakit ba lagi nalang kaming magkaiba ng iniisip?

Binitawan ko siya at humarap muli sa kanya. "Okay fine! Maghiwalay tayo. Paunahan tayong magpunta sa school garden. Pag naunahan kita, huwag ka nang tumuloy para matanggal ka na sa Class Genius!" Deretso kong sabi at nakita ko naman na mula sa walang emosyon niyang mukha ay naging seryoso ito.

Kailan pa siya natutong magpakita ng ekspresyon?

"Yan ba talaga ang gusto mo? Magiging masaya ka ba kung mawawala ako sa section na ito?" Aniya.

Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. Parang isang napaka hirap na quiz nun para sa akin.

"Sh-syempre naman no! Magiging top 1 na ako eh." Nauutal kong sabi. Di ko alam parang naintimidate lang ako sa kanya. Nag iwas ako ng tingin at bigla siyang tumalikod.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko nang magsimula siyang maglakad palayo.

"I'm granting your wish." Aniya. Bahagya siyang humarap. Kulamabog bigla ang puso ko hindi dahil sa tuwa. Hindi ko alam pero parang hindi ako masaya nung narinig iyon mula sa kanya. Ayokong manalo ako sa kanya sa ganoong paraan.

"So susuko ka lamang? Ganon ba? Why don't you fight me Kier!" Sigaw ko.

"If I fight with you, you wouldn't win. The only way you can win is if I give up." Aniya. Nayayabangan ako sa sinasabi niya! Anong hindi ako mananalo?

"Fight fair Kier!" Sabi ko.

Ngunit bigla niya lamang akong tinalikuran at umalis. What now?

Nagdesisyon ako na magpunta na sa school garden mag isa. Kung gusto niya talagang ganon ang gawin edi fine! Nag isip akong mabuti kung saan ako dadaan na hindi ako makakasalubong ng kung sino.

Class Genius 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon