Kabanata 32: (RH) Decisions

929 66 0
                                    

Song above: Waiting Outside the Lines by Greyson Chance.

---

"Pangako, lagi tayong magtutulungan at hindi tayo mag iiwanan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pangako, lagi tayong magtutulungan at hindi tayo mag iiwanan."

Tuluyan nang tinangay ng hangin ang daffodil na binitawan ng batang si Rie at Nics.

Pagkatapos ng isang linggo ay biglaan na lamang nawala ang batang si Niccolo Jimenez.

---

"Ikaw ang tunay na tagapagmana ng mga Faustino anak."

"Ayoko, masaya na ako sa buhay ko!"

"Hindi, kailangan mong lumaki kung saan ka nararapat. Sa isang kilala at disenteng pamilya."

Hindi na nakapalag ang batang si Nics nang ipinamigay siya ng kanyang ina sa kanyang tunay na ama.

Bagama't alam niyang kumpleto ang pamilya niya, at mayroon siyang ama at ina, pinili parin ng kanyang ina na ibigay siya sa tunay niyang ama dahil alam niyang mas gaganda ang buhay ng kanyang anak sa isang mayamang pamilya.

Oo, anak siya sa kasalanan. Maging siya ay hindi matanggap ang pangyayaring iyon sa buhay niya. Ang kinikilala niyang ama, ay hindi niya pala tunay na ama. Isang napakalaking dagok noon sa pagkatao niya.

Ngayon ay mapupunta na siya sa puder ng tunay na nag mamay-ari sa kanya, ang ama niyang si Kirov Faustino. Ngunit hindi iyon naging madali dahil sa pinapakitang pagtrato sa kanya ng bago niyang ina. Hindi siya nito matanggap.

"Nics, ayusin mo na ang mga gamit mo" sabi ng ama. Kahit paano ay sumaya naman siya dahil mayroon siyang mga gamit na hindi niya naranasang magamit noon.

"Opo. Daddy." Sagot niya. Kasama sa inempake niya ang mga larawan ng kanyang kababata na si Rie. Nanghihinayang siya at hindi manlamang siya nakapag paalam dito.

---

"Itapon mo nga iyan! mga basura!" Umiyak ang batang si Nics nang sunugin ng kanyang mommy ang mga bagay na dinala niya. Lahat ng bagay na mag papaalala sa kanya kay Rie, lahat ito ay naabo na.

Palagi na lamang siyang pinag iinitan ng kanyang mommy tuwing wala ang daddy niya. Dahilan kung bakit nawala ang kaligayahan niya. Ang inosenteng bata na dapat ay naglalaro lamang, ay namulat sa totoong buhay dito sa mundo sa mura niyang edad.

"Ayusin mo nga ang pag kain mo! Huwag mong kamayin ang pagkain!"

"Sabi ko sa iyo Nics, pag maliligo ka huwag kang mag babaysak ng tubig sa toilet area! Gamitin mo ang shower curtain!"

"Ang dugyot mo talagang bata ka! Bakit ka naman nagpaulan at nagputik na iyang damit mo!"

"Tigilan mo nga ang pangingisda sa aquarium!"

Class Genius 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon