Aira
"Laging tandaan, ang 3 R's ito'y mahalaga. Reduce, reuse, recycle. Lalo na sa plastics, it will help save the earth." Pangunguna ni Rhacie sa pagsasalita.
Kasalukuyang nandito kami ngayon sa mismong bayan ng Pine tree Valley, ang lugar na pinaka iniiwasan ko, siguro naman walang makakaalala sa akin dito, medyo probinsya kasi ito. Pero, dito ako lumaki at nandito ang naraan ko na matagal ko nang iniiwasan.
"Educate yourself. Isa ito sa pinaka mahalaga para makatulong sa kalikasan, alamin kung ano ang bawat kahalagahan ng ating pinagkukuhaang yaman, paano makakatulong mapaunlad sa pag gamit nito, matuto magtipid at ano ang epekto ng mga ginagawa natin sa kalisan, lalo na sa mga bagay na may buhay." Nang sabihin iyon ni Kier ay nanliit ang mga mata ni Rhacie, paano dinugtungan na naman ni Kier ang script niya.
Last day na namin ito, mamaya ay matutulog nalang kami at kinabukasan ng daling araw kami uuwi. Tulad nga nung orientation namin, ang ginagawa namin ngayon ay nagpapamulat sa mga tao kung paano makakatulong sa kalikasan, gamit ang isang programa.
"Be sustainable. Mahalaga na kung ano man ang nasimulan ay palaging papanatilihin upang magtuloy-tuloy ang kaayusan. Ani Maggie at bahagyang umatras, tsaka ko lamang na pagtanto na ako na pala.
"Avoid disposing harmful chemicals on waters. Tandaan natin na mayroon din mga nilalang na nakatira sa tubig na maaaring magdulot ng hindi maganda. Isa pang dahilan ay babalik ito sa atin dahil ang mga laman-dagat ay nagsisilbi rin nating pagkain, kaya ang mga kemikal maaaring makaapekto sa ating kalusugan."
Nakita ko naman na seryoso parin sa pakikinig ang mga tao. Yung iba pa nga ay sinusulat ang mga sinasabi namin kaya sa aking palagay ay maganda ang naidulot ng activity na ito.
"Conserve energy and water. Ang pinanghugas na tubig ay maaaring ipandilig sa halaman, huwag mag aksaya ng tubig! Ganoon din sa kuryente, patayin ang ilaw kung hindi ginagamit, hugutin mula sa plug ang nakasaksak kung hindi ginagamit. Tandaan, kung hindi mo pahahalagahan ang mayroon tayo ngayon, baka sa huli ay magsisi tayo dahil na-take for granted natin sila." Nakita ko naman na nag react ang mga tao sa sinabi ni Sheen. Yung iba ay natawa pa. Paano kung gaano kaseryos kaming mga nauna ay ganoon naman siya kaloko.
"Plant trees. Maaaring hindi natin agad makikita ang kahalagahan nito ngunit sa susunod na henerasyon ay mapapakinabangan ito. Nakakatulong din ang mga halaman lalo na pag dumating ang mga sakuna. Malaki ang naitutulong ng mga puno para solusyunan ang baha." Ani Calli. Medyo boring talaga itong ginagawa namin ngayon, pero mas okay na ito kaysa sa magtanim. Panay lupa ang kuko ko kahapon.
"Help protect our ozone layer. Huwag magsunog ng mga goma at plastic, kung maaari din ay mas ugaliin na maglakad o magbisikleta na lamang kung malapit lang ang pupuntahan. Malaki ang epekto ng kemikal ng usok at polusyon sa pagbabago ng ating panahon at patuloy na pag init ng clima." Ani Temmie. Hay ang tagal naman matapos nitong orientation na ito inip na inip na ako.
BINABASA MO ANG
Class Genius 10
RandomA class section composed of the ten most intelligent students in Angeles High. A story of competition, friendship, love, family, and dreams.