Kier
"What happened Kier?" Sinundan ako agad ng tingin ni tito at tita pagkarating ko palang sa mansyon nila Gracie. I tried to look not affected and maintain my usual poker face look para hindi sila mag alala. Nang umalis si Arvin at Gracie ay nag paalam agad ako kina Calli at naintindihan naman nila.
Napatayo sa sofa mula sa pagkakaupo si Arvin at tila nag hihintay din ng sasabihin ko. Sa tantya ko, hindi pa inexplain nila tito kay Arvin na may mali sa memorya ni Gracie.
"Where's Gracie?" Pag iiba ko ng usapan.
"Nasa kwarto niya, nagpapahinga. Can you explain this Kier? At nasaan si Sheen, hindi ba't sa kanya ko na binilin si Gracie? Bakit nadamay na naman si Arvin dito, hiyang hiya na ako sa pamilya nila dahil sa paulit-ulit na..."
"It's okay tito, hindi na naman po kayo ibang tao sakin kahit na hindi matutuloy ang kasal namin ni Gracie." Arvin said calmly.
"Uncle, earlier Arvin saw us unexpectedly. Gracie then started to become confused at sabi niya sumakit ang ulo niya. Medyo nagalit din siya sa amin at biglang umalis kasama si Arvin." Habang nag eexplain ako ay tumango-tango naman ang dad ni Gracie.
"Naiintindihan ko. Arvin, sorry if we didn't tell you. Ayaw lang sana namin na madamay ka pa ulit, pero kakapalan ko na ang mukha ko. Can I ask a favor? Sana pag hinanap ka ni Gracie, nandyan ka parin para sa kanya. I know the engagement is off, but this is temporary, hanggang sa umayos lang si Gracie sana." Auntie said sheepishly.
Ngumiti naman si Arvin at tinapik sa balikat si tita. "No worries, hindi na po kayo ibang tao sakin."
Napalingon ako nang makita kong pababa sa hagdanan ang family doctor nila, tila nag aantay din sila uncle ng sasabihin nito nang makalapit ito sa amin.
"Doktora, kumusta si Gracie?" Tanong ni tita nang tuluyan itong makalapit sa amin.
"Everything is okay, yung part ng pagsakit ng ulo niya ay normal. She's just regaining her memories progressively sa aking palagay, She's in the state of which we call "Confabulation". Hindi naman nawala ang alaala niya pero may ibang part sa memory niya na medyo jumbled. Mabuti kung magpapahinga muna siya." Tumango lang sila at nagpasalamat tapos ay nag paalam ito sa kanila.
Hindi nagtagal ay nag paalam na din si Arvin na aalis na ito, agad ko itong sinundan sa labas at naabutan ko itong akmang sasakay sa kanyang sasakyan.
"Arvin." He looked at me and smiled. Sinarado niya yung pintuan ng sasakyan at lumapit ito sa akin. Nang nasa harapan ko na siya at isang metro ang layo sa akin ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa niya at may kung anong tinitingnan dito.
"Kier, I clearly understand the situation. Wag kayong mag alala." He said while still looking at his phone. Napadiretso naman ang tingin ko sa kanya.
"Kahit na, dapat sinabi nalang namin sa iyo. Pero sila uncle lang din nag aalala para kay Gracie that time." Sambit ko.
"I know. So approved na pala si Sheen? I see." Ngumiti ito ng tipid, hindi ko masyado mabasa ang ibig niyang sabihin.
BINABASA MO ANG
Class Genius 10
RandomA class section composed of the ten most intelligent students in Angeles High. A story of competition, friendship, love, family, and dreams.