Kabanata 89: (RH) Tough

522 33 13
                                    

Rhacie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Rhacie

"Good morning Ruru! Good morning Maggie!" Bati ni Gracie sa dalawa nang makapasok sila dito sa study.

Ako lang ba nakakapansin na parang madalas silang sabay pumapasok? Mula last week pa.

"Palagi ata kayong nag sasabay ni Maggie?" Mahinahong tanong ni Gracie sa dalawa habang nakangiti ito. Sabi ko nga, napapansin din nila. Sobrang halata naman.

"Nagkataon lang." Sagot ni Robin bago dumiretso sa kanyang table.

Nagkataon? Hindi naman ako mahilig makialam pero hindi ako naniniwala. Sabagay, it's none of my business.

"Pero this Sem Robin napansin ko lang hindi ka na nauuna pumasok palagi. You used to be so punctual." Sambit ko habang nakapahalumbaba at pinagmamasdan ko siyang ayusin yung gamit niya sa table.

Nakaupo kami sa kanya kanya naming desk  dahil ngayon ang final exam namin. Nakaayos na yung mga gagamitin ko kaya nakikipag usap nalang din ako. Nakapagreview na din ako ng maayos hindi katulad ng artista dyan na nagbabasa pa.

"Should I need to explain myself?" Robin sighed.

"Naging busy sa condo mula nung lumipat din si kuya malapit sa tinitirahan ko, so ayun. I also bought extra pets kaya medyo dumami responsibilidad ko." Robin explained calmly.

Nakita kong napahinto si Aira sa pagbabasa.

"Maggie mag usap tayo mamaya." Yun lang sinabi niya tapos ay nagbasa ulit.

"Good morning great people of Angeles!" masiglang bati ni James habang energetic pero charismatic na naglalakad papasok. Binati naman siya pabalik ni Gracie.

Nagulat ako sa sumunod kong nasaksihan. Hindi pa man nakakaupo si James ay lumapit si Calli dito.

"Oh Calli boy—" Hindi pa man siya tapos mag salita ay walang anu ano'y sinapak ito ni Calli.

Nagulantang kaming lahat. Napahiyaw si Gracie at Aira. Dalian naman lumapit si Robin, Kier at Sheen para umawat.

"Ang lakas ng trip mo para manapak bigla, ano kasalanan ko sa iyo?" Ani James habang sapo ang pisngi niya na namula. Hindi sumasagot si Calli at nakatingin lang ito ng seryoso kay James.

Mukhang ni isa sa amin walang may alam bakit bigla nalang ganito si Calli. Kita ko rin na nagulat si Temmie ngunit bakas sa mukha nito na ayaw niyang makialam sa dalawa kaya tahimik lang siyang nakaupo.

Halos matumba si James nung sapakin siya ni Calli at nagdugo yung gilid ng labi niya. Pero as usual, pa-cool parin itong si James at parang hindi nasaktan.

Nakakapanibago lang, hindi naman kasi mahilig manakit si Calli.

"Ano bang problema niyong dalawa?" Sambit ni Aira. Medyo pasigaw ang tanong niya at halatang naiinis sa nangyari.

Class Genius 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon