Kabanata 50: (KF) Birthday Wish

769 59 2
                                    

Kier

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kier

"Wala na bang ibabagal yang kilos mo?" Sinasadya ko talagang inisin si Rhacie. I like her reactions when I see it in her face. Siya yung tipo ng babae na hindi kayang isikreto yung mga bagay dahil nababasa sa mukha niya.

"Pwede ba Kier? Mabigat ang mga gamit ko!" Inis niyang sabi sakin habang hila ang dalawang maleta.

Nandito kami ngayon sa bahay nila. At pinag empake ko na siya ng mga gamit. Wala siyang magagawa, I'm the boss.

Ngayon palang ako nakabalik muli dito at hindi ko naitatanggi n mas malungkot na ang paligid dahil hindi na dito nakatira ang lolo at lola niya.

"You can always ask for help. I told you didn't I? Hindi masama humingi ng tulong." Napabuntong hininga na lamang siya. Bakit ba kasi usong uso sa babaeng ito na laging magmataas ng pride?

"Help me Faustino." Malamig niyang sabi kaya naman napakagat ako sa labi ko ng saglit at back to normal na ulit.

Agad kong kinuha sa kanya ang malaking maleta at dumiretso sa sasakyan para isakay ito sa compartment.

Nang mailock niya ang gate ng bahay nila at hinila ang maleta ay inilagay ko na din ito sa compartment.

"Let's go." Nang sinabi ko yun ay sumunod siya sa akin sumakay sa sasakyan.

Nang maisarado ko ang pintuan ay nagmaneho na ang chauffeur ko patungo sa mansyon.

Napatingin ako kay Rhacie na parang masama ang loob, ang tigas talaga ng ulo niya kahit kailan.

"Bakit ganyan mukha mo?" Dahil sa tanong ko ay napatingin siya sa akin.

"Anong problema mo sa mukha ko?" Aniya.

"Yung mukha mo ang may problema, mukha kang problemado." Dahil sa sinabi ko ay bumuntong hininga siya.

"Look Kie--Faustino! Kaya kailangan ko ng part-time ay para makapagbayad ng bills, hindi ko kailangan lumipat ng tirahan." So iyun pala ang sinisimangot niya?

Nauunawaan ko naman na hindi madali iwan ang tahanan kung saan ka lumaki.

"So would you commute everyday for work?" Dahil sa sinabi ko ay natigilan siya. Medyo malayo kasi talaga ang tirahan ko sa bahay nila at nasa loob pa kami ng subdivision.

"Lugi ka sa pamasahe at pagod, at lagi ka din wala sa bahay niyo tapos buwan buwan ka parin mag babayad ng bills? I already think about it, this is more convenient. Di ka naman habang buhay mag tatrabaho doon kaya makakabalik ka parin naman diba, at the same time I'm sure makakapag ipon ka pa."

"That's not my point, I don't want to live with you!" Aniya kaya naman napangiti ako. Sabi na e iba iniisip nito.

"So what if we live under the same roof? Natatakot kang sabihin na mag live in tayo?" Nang aasar kong sabi sa kanya kaya naman agad niya akong hinampas sa braso ko, masakit ha. Napatingin ako sa kanya at namumula siya ngayon. That's cute.

Class Genius 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon