Chapter theme: Dont Matter- Lauv
---
Sheen"Gracie." Napatalon si Gracie sa gulat nang pumasok ako dito sa kusina. Nakatalikod siya sa akin pero ramdam ko na nagulat siya dahil bahagyang tumaas ang balikat niya.
"Ah Sheen busy kasi ako eh, nag be-bake ako oh." Aniya.
"Ah okay. Uupo na lang ako dito at hintayin kitang matapos diyan."
"No, huwag na Sheen."
"Sabi na eh iniiwasan mo ako." Pabiro kong sabi. Pero dahil sa sinabi ko ay hindi siya umimik.
Tuwing kasing lalapit ako sa kanya ay lagi siyang busy o may ginagawa. Isang linggo na rin ang lumipas na lagi siyang sinusundo ni Arvin at hindi manlang siya nagrereply sa mga message ko--which is hindi naman niya ginagawa noon. Inisip ko na lang na baka may kung ano lang na nangyari.
Itinigil niya ang ginagawa niya at bahagya siyang humarap sa akin.
"Galit ka ba?" Tanong niya. Agad siyang umiwas ng tingin. Bakit pakiramdam ko ay back to strangers na kami?
"Nagtatampo ako." Sumimangot ako sa kanya at nagpa-cute
"Sheen, seryoso ako."
"Ako din, seryoso ako sayo. Ayiieeee."
Hindi ko alam kung hindi kami okay ni Gracie, basta isa lang ang alam ko. Kahit ano pang gawin niya, ipapakita ko lang sa kanya na ako yung Sheen na kilala niya. Hindi uso ang drama at lahat ng sagot ko ay pambabara.
Pag nagtampo siya o magalit o iwasan niya ako, hindi ako makikisabay sa pagiging moody niya.
"Kakaganyan mo Sheen, iyan ang dahilan kung bakit nahihirapan ako." Ramdam ko na malungkot siya nang sinabi niya iyon sa akin. Hindi ko alam kung ano yung tinutukoy niya. Pero parang sinisisi niya ako eh.
"Tara sa tulips garden Gracie, kulang ka lang sa gala." Sabi ko ngunit umiling lamang siya.
"Hindi mo ba talaga napapansin Sheen, iniiwasan talaga kita dahil natatakot ako. Natatakot akong sundin ko ang mga sinasabi mo. Yung mga payo mo para sa akin. Hindi ko alam kung bakit may kung anong bahagi sa akin na pakiramdam ko magiging masama ulit akong tao, pag nagpatuloy ka pa sa kagaganyan mo masasaktan ko lang si Arvin!"
Maging ako ay nagulat sa mga sinabi niya. Pero pilit akong humanap ng salitang sasabihin ko para maging magaan ang atmosphere kahit paano.
"Payong kaibigan lang naman ang sinasabi ko Gracie." Kalmado kong sabi. Pinilit ko pang ngumiti pero nagmukha lang ata akong tanga.
"Hindi mo kasi ako nauunawaan, halimbawa gusto kita Sheen? Papayag ka bang piliin kita kaysa sa kung anong buhay na mayroon ako? Papayag ka bang ipag palit ko ang lahat para sa iyo?"
BINABASA MO ANG
Class Genius 10
RandomA class section composed of the ten most intelligent students in Angeles High. A story of competition, friendship, love, family, and dreams.