Rhacie
"Christmas break din naman kaya gusto kong i-enjoy mo ang bakasyon mo."
Napa buntong na lamang ako sa sinabi niya. Pinipilit niya kasi akong magbakasyon kahit hindi ko naman kailangan.
"O baka naman gusto mo lamang akong makasama buong Christmas break?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Hell no!" Agad kong tugon at lumitaw na naman ang nakakainis niyang ngiti mula sa kanyang pagmumukha.
"Pabor sa akin yun Rhacie." Dahil sa sinabi niya ay pakuwari ko'y lalong uminit ang mukha ko.
"Hindi na lang! Uuwi na pala ako sa probinsya, gusto ko din kasi kamustahin sila nanay at tatay doon syempre. HAHAHAHA." I faked a laugh.
"Ang weird mo, hindi naman nakakatawa yun."
"Mas weird ka, kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi mo." Dahil sa sinabi ko ay ngumiti siya sa akin ng tipid. Aba talaga naman!
"Oh siya, aayusin ko na ang gamit ko!" Agad akong tumalikod sa kanya at maglalakad na sana.
"Rhacie." Muli niyang tawag sa akin.
"Ano?" Sagot ko habang hindi lumilingon sa kanya.
"Your tone is rising again."
"Paki mo!"
"Rhacie." Dahil sa muli niyang tawag ay humarap na ako muli sa direksyon niya.
"Ano na naman?!"
"Mag iingat ka." Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at nag diretso na ako ng lakad pabalik sa aking kwarto.
Bakit ko kailangan mag ingat? Sila ang mag ingat sa akin dahil kaya kong lumpuhin ang sinuman na gumawa ng masama sa akin.
Nang makarating ako sa kwarto ay sinarado ang pintuan at nagsimula na akong mag ayos ng dadalahin kong gamit.
Bigla kong naisip na wala naman akong contact kanila nanay dahil hindi naman sila marunong gumamit ng telepono o kahit anong gadgets. Pero alam ko naman ang address ng kamag anak namin kaya mag tetext na lamang ako kay tita bago pumunta doon.
Nang matapos ko nang ayusin ang mga gamit ko ay nahiga ako at sinimulan kong tawagan si Gracie.
"Hello Rie! I miss you!" Bungad niya sa akin kaya naman napangiti ako.
"Eh? Kahapon lang tayo huling nagkita e." Narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya.
"Aalis pala ako Gracie, uuwi ako sa probinsya namin."
"Talaga? Pwede ko ba malaman kung saan yun Rie?"
"Malayo eh, sa Riseia."
"Grabe, kaya mo ba mag byahe mag isa?"
"Oo naman no. Ako pa!"
"Panigurado hindi ka naman pababayaan ni Kier eh hihi. Alam mo Rie nag iisip ako kung paano icecelebrate ang birthday ni James. Napaka alanganin kasi talaga ng December 24."
BINABASA MO ANG
Class Genius 10
RandomA class section composed of the ten most intelligent students in Angeles High. A story of competition, friendship, love, family, and dreams.