Temmie
"Tems, tulungan na kita diyan." Ani James, agad niya naman binuhat ang mga box na may mga regalo na inutos ni Pres sa akin. Napahawak na lamang ako sa magkabila kong bewang.
"Anong tingin mo sakin, Mahina?" Dahil sa sinabi ko ay natawa naman siya.
"Wow, wow, wow! Ang sungit naman po." Aniya habang napahilamos sa kanyang mukha.
"Mr. Hernandez, please carry these!" Sigaw ni Keiko mula sa malayo, palihim naman na ngumiti si James at tinaasan ako ng kilay.
"You're right Tems!" Bulong niya sa akin na akmang natatawa pa. Mula kasi noong sinabi ko sa kanya ang obserbasyon ko kay Pres Keiko ay binago na niya ang style niyang bulok.
"Pwede ba James, huwag mo nga akong idamay diyan sa pinag-gagawa mo, ginagamit mo pa ako e." Mahina kong sabi sa kanya. Muli naman sumigaw si Keiko kaya naman agad niyang kinuha ang mga box na pinapakuha nito. Hinintay ko siyang bumalik at nang makuha niya iyon ay sabay kaming naglakad habang may buhat na mabibigat na box.
"So yun nga Tems, effective siya." Aniya, alam ko. Ako nga nagsabi hindi ba? Sabay kaming naglalakad ngayon patungo sa van kung saan isasakay ang mga bitbit naming gamit.
"Ang sabi ko, start to SERIOUSLY date. Hindi ko sinabi na balewalain mo siya." Nang sinabi ko yun ay ngumiti na naman ang loko.
"Sa totoo lang Tems, I still feel na siya parin ang gusto ko. Why don't we have an agreement?" Ngiting aso niyang sabi. Bago pa man ako maka sagot ay nakasalubong namin si Calli at Robin na pabalik ngayon upang kumuha pa ng mga boxes.
"Lakas ni Tems!" Ani Robin habang nakatingin sa mga box na buhat ko, lamang lang ng tatlong box ang buhat ni James. Magkakapatong kasi ang mga hindi kalakihang box na dala namin.
"Buti di kayo sumabog!" Nang sabihin iyon ni Calli ay natawa silang dalawa ni Robin bago pa man kami malagpasan.
"Saan na nga pala tayo?" Muling tanong ni James.
"Wala, wala naman tayong pinag uusapan eh." Sagot ko sa kanya dahil ayaw kong ibalik ang topic niya kanina. Napatingin naman ako sa kanya at gusto kong matawa dahil sa ekspresyon ng mukha niya ay pilit niyang inaalala.
Nang makadating kami sa van ay agad namin ibinaba ang mga boxes sa likurang bahagi kasama ang ibang mga ipapamigay. Bigla naman nagliwanag ang mukha niya.
"Naalala ko na Tems! HAHA!" proud niyang sabi. Napapikit naman ako.
"Why don't we have an agreement?" Pag uulit niya sa sinabi niya kanina.
"Agreement mo mukha mo." Sabi ko habang inaayos ang mga boxes.
"Dali na Tems, tutulungan din kita kay Batman kung gusto mo." Dahil sa sinabi niya ay napalunok ako.
"Paano mo gagawin yun?" Seryoso kong tanong.
"HAH. Oh diba papayag ka din!" Aniya.
"Wala pa akong sinasabi." Agad ko siyang inirapan at nag simulang maglakad na pabalik para kumuha ulit ng boxes, agad naman siyang sumunod sa akin.
BINABASA MO ANG
Class Genius 10
RandomA class section composed of the ten most intelligent students in Angeles High. A story of competition, friendship, love, family, and dreams.