Aira
"Class Genius 10 without Kier would be like a bread without butter. A coffee without sugar. A pizza without topings. A chicken without breading. An ensaymada without cheese..."
"Tumigil ka nga Aira, ginugutom ako sa sinasabi mo. Hay nakooo." Ani Sheen
"Im just stating the obvious Sheen. Parang di ako sanay. May kulang."
"Ako na nga ang pang kumpleto niyo eh." Ani Kennedy, at ngumiti siya ng pagkalawak lawak.
"Pangkumpleto mo mukha mo. Sampid ka lang." Sabi ko.
"Wala na tayong magagawa guys. Pwede ba wag na kayong bitter. Iwelcome natin si Kennedy." Ani Gracie habang inilalapag sa mesa ang bagong baked na bread rolls.
"Who's bitter? Wala kaming pake kung sino pa kasama basta mahalaga andito ako." Ani Robin
"Si Aira lang naman ang salbahe dito! HAHAHA!" tatawa tawang sabi ni Sheen habang ngumunguya.
Agad ko naman siyang binatukan.
"Aray ha! Grabe kayo ni Rhacie sa akin. Pag nakalog utak ko tatalino ako lalo bahala kayo HAHAHA." Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya.Nandito na nga pala kami ulit sa study area namin. Nagbalik na nga kami dito pero kapalit naman ay pagkawala ni Kier. Mas maganda na itong study area kaysa noon. Nadagdagan ang mga libro at mas madami na ang sofa. May flat screen television na din pero wala kang ibang mapapanuod dito kundi puro educational.
"Look at this." Ani Kennedy at nilapag ang isang device na parang maliit na television. Nakikita namin si Kier doon. At ang buong klase ng section 1.
"OMG!" Sabi ko.
"Ano naman iyan?" Tanong naman ni Rhacie
"Installed camera device sa klase namin dati. Kahit wala ako alam ko kung ano ang nangyayari doon. Ako ang gumawa nito." Ani Kennedy.
Agad namang nanlaki ang mga mata ni Rhacie at mukhang kinabahan.
"Wow ang galing naman!" Natuwa ako sa device kaya napuri ko siya. Nakita ko siyang malawak ang ngiti kaya binawi ko agad ang sinabi ko.
"Yung device ang magaling, hindi ikaw!" Inirapan ko siya.
"Ibig sabihin nakikita lahat diyan?" Ani Rhacie.
"Oo naman. Diba sabi ko nga." Ani Kennedy.
Dire-diretso na lumabas si Rhacie sa study. Bakit kaya?
"Anong nangyari doon?" Tanong ni Kennedy
"Ganun ang kilos ng mga taong guilty." Ani James habang nakangisi.
Kahit ako ay hindi ko magets ang pinagsasabi ni James. Nakita ko naman na busy si Gracie sa cellphone niya.
Humalakhak naman ng malakas si Kennedy.
"Kailan ko lamang ito ininstall. Kung alam ko lamang na malilipat ako sa mas mataas na section di ko na sana ito nilagay." Aniya
BINABASA MO ANG
Class Genius 10
AcakA class section composed of the ten most intelligent students in Angeles High. A story of competition, friendship, love, family, and dreams.