James
"Good morning!" Bungad na bati ni Gracie sa akin paglabas ko sa tent, mag aalas singko pa lamang ay gising na siya at tila nagluluto ng pagkain sa kalan de uling na improvised na gawa sa malalaking bato.
"May ganyan pala" Tanong ko sa kanya habang nag streching.
"Uhm, ginawa lang ito ni Sheen, sabi niya nagugutom siya at namimiss niya na ang luto ko." Dahil sa sinabi ni Gracie ay nag make face ako bilang pang aasar. Napa-pout naman siya.
"Nasan nga pala yung iba?" Pag iiba ko sa usapan.
"Nag walking si Temmie, si Kier naman nagpasama kay Rhacie na manguha ng prutas." Sabagay, lahat tulog pa eh. Pwera lang sa mga nabanggit. Great yea, bakasyon feels.
"Sige Gracie! walking din muna ako!" Dali dali akong tumakbo sa tabi ng dagat, jogging pala.
"Tems!" Nang tawagin ko siya ay saglit siyang lumingon bago ulit ibalik ang kanyang tingin sa kanyang nilalakaran. Agad ko naman siyang naabutan dahil gaya ng sabi ni Gracie ay nag-walking ito.
"Wag kang mambuwisit ng umagang umaga James. Maganda araw ko ngayon, wag mo sirain." Aniya habang hindi manlang tumitingin sa akin.
"Woaaaaaah...Wala pa nga akong ginagawa." Napataas ako ng kamay ko na akmang sumusuko habang natatawa sa sinasabi niya.
"Yun na nga eh, you don't know how annoying you are. Kahit wala ka pang ginagawa ay nakakainis ka na." Aniya.
"Wow judger." Bulong ko nalang.
Maya maya pa ay naupo si Temmie sa malaking bato kaya naman tumabi ako sa kanya. Pareho kaming nakatingin sa dakong dagat habang nakikita na unti unting lumiliwanag ang paligid. Papasikat na ang araw. Napatingin ako sa kanya na akmang nag pupunas ng pawis, ako naman ay nagpanggap din na busy at naglagay ng isang earphone sa tainga ko.
"Kamusta pala kayo ni Batman?" Dahil sa tanong ko ay bahagyang nanlaki ang mga mata niya na halatang nabigla ngunit agad niya iyong binawi at nag panggap na kaswal lang ang usapan.
"Ayos lang naman." Nako Temmie boy, marunong ka palang umibig ha.
"Okay." yun na lamang ang sinagot ko sa kanya. Akmang tatayo sana ako nang hawakan ni Temmie ang braso ko. Agad ko naman siyang nginitian.
"Okay lang ako Tems, hindi ako nagseselos-- Aray!" Agad niya naman akong hinampas kaya natawa na lamang ako sa reaksyon niya. Umiwas naman siya ng tingin sa akin bago magsalita.
"Kung ano man ang nalalaman mo, pwedeng atin lang yun?" Seryoso niyang sabi.
"Oo atin lang iyon Temmie, pati itong gagawin natin ngayon, atin lang." Nang sinabi ko iyon ay parang nagtaka siya kaya naman agad kong inilagay ang kamay ko sa baba niya upang iharap ang mukha niya sa akin at magtama ang paningin naming dalawa. Natawa na lang ako nang hampasin niya ang kamay ako at tila naiinis na siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Class Genius 10
LosoweA class section composed of the ten most intelligent students in Angeles High. A story of competition, friendship, love, family, and dreams.