Calli
"Review this." Ani ma'am Leony at inilapag ang makapal na dictionary sa table namin.
"Here, this will help too." Sambit naman ni Maam Adelaide. Iba't ibang libro sa magkakaibang subjects naman ang inilapag niya.
Nandito kami sa National library. Kasama ko si Kier, Rhacie, at Robin. At syempre ang taga-Einstein na sina Donna, Nics, Meriam at Kevin. Na-disqualify kasi Geister kaya wala ang isang iyon. Kaming lima lamang talaga nina Rhacie, Kier, Donna at Meriam ang first five. Back up lamang sila Robin, Kevin at Nics. Pero dun sa laban na kailangan si Geister ay si Nics agad ang ipapalit.
"Kier, palagay ko ikaw ang dapat na unang pambato sa international overall quiz." Ani ma'am Leony.
"Rhacie at Calli, kayo ang sa by-pair. At si Meriam at Donna ang sa spelling bee. " Sabi naman ni ma'am Adelaide.
"Pero mag ready kayong tatlo Kevin, Robin and Nics. Mauunang maipapasok si Nics pag kinailangan." Ani ma'am.
Weird na kung weird pero nakita ko na matalas ang tingin ni Kier kay Nics. Si Rhacie naman ay parang hindi mapakali.
Agad naman kaming nagreview. Pinagtuonan ko nang pansin ang mga libro kahit ang totoo ay nababagot na ako. Nag skim lamang ako ng pages at pagkatapos ay nag cellphone na ako.
"Calli, please focus. Seryosong laban ito." Saway ni ma'am Leony ngunit agad naman akong dinepensahan ni ma'am Adelaide.
"Leony, I think Calli knows these stuffs already. Mabuti pa ay hayaan na lamang natin silang gawin ang gusto nila. Di naman nila hahayaan mapahiya ang eskwelahang nirerepresenta nila."
Pagkasabi noon ay malaya na akong nakalibot sa Library at nagbasa na lamang ako ng mga sonnets ni William Shakespeare.
Natapos ang boring na araw at discussion sa library at nagpasya na kaming magsiuwian.
"Rhacie, gusto mo ihatid na kita?" Napalingon ako habang pababa sa hagdan palabas ng library. Si Nics yung nag aaya kay Rhacie. Close ba sila?
"Ahh ehh, salamat. Naaalala mo pa ba ako?" Tanong ni Rhacie. Mukhang nahihiya si Rhacie. Anong nangyari? Bakit nawala ang matapang na si Rhacie.
Ngayon ay nakuha ko na. Naalala ko nung iniistalk ni Kier ang facebook ni Nics. Akala ko ay ginagawa niya lamang iyon dahil nakatingin si Rhacie kay Nics nun. Pero ngayon, napagtanto ko na tila magkakilala pala sila.
"Oo naman, sa hotel hindi ba nagkita tayo noon?" Ani Nics at mukhang na disappoint si Rhacie na sumagot.
"Ah, oo." Aniya.
"Sumasakay ka ba sa bisikleta?" NAng makababa na kami sabhuling baitang ng hagdanan ay kinakalas ni Nics ang pagkakapadlock sa bisikleta niya.
"Sama din kami ni Calli." Nagulat ako sa sinabi ni Kier kaya bahagya akong natawa. Nandamay pa ha?
BINABASA MO ANG
Class Genius 10
RandomA class section composed of the ten most intelligent students in Angeles High. A story of competition, friendship, love, family, and dreams.