Kabanata 88: (MD) Talk Active

492 20 5
                                    

Maggie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maggie

"Say Sheen!"

Napangiti na lang ako nang tuluyang mag flash ang camera sa harapan namin. Pagkatapos ng isang matino ay isang wacky naman.

Ngayon ang class picture taking at mabuti dahil kumpleto kami.

Lahat ng mga girls ay nakaupo sa upuan habang ang mga boys naman ay nakatayo sa likod namin.

From left to right, si Gracie, Rhacie, Temmie, Aira, at ako. Sa gilid ni Gracie ay si Director Angeles at nasa gilid ko naman umupo si Ma'am Adelaide.

Sa boys naman ay alam ko nasa gitna si Calli.

Bumalik din agad kami sa study. Seryosong seryoso ulit silang lahat, finals na namin next week at sobrang dama ko na naman ang tensyon.

Natapos ang araw na parang normal lang. Pwera nalang sa nangyari kanina, parang nagkasagutan si Kier at Rhacie.

Naagaw nila ang atensyon namin at hindi ko maintindihan kung anong pinag awayan nila, basta involved ang negosyo.

---

"Nandito na ako." Sambit ko habang hinubad ko ang sapatos ko bago pumasok sa loob ng bahay. Alam kong hindi ako maririnig ni Michael pero pag sinasabi ko yun ay bigla siyang sumusulpot sa harap ko.

Nagtaka ako dahil walang Michael na sumalubong sa akin. Bigla akong inatake ng kaba at napatakbo ako sa kusina. Nabitawan ko ang bag ko sa nakita ko.

"Oh, nakauwi ka na pala Margarette—"

Hindi pa man siya natatapos magsalita ay hinila ko na si Michael palayo sa tabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Kinakabahan kong tanong. Muling nagbalik sa alaala ko ang lahat. Pinilit kong kimalma ang sarili ko kahit na lumalim ang bawat pag hinga ko.

"Nagbago na ako Marga-" Hindi pa man siya natapos magsalita ay dinampot ko na ang bag ko at hinila si Michael palabas ng bahay. Natanaw ko siyang ngumiti na nakapagpakilabot sa akin.

Tumakbo ako ng mabilis habang tangay ko ang kamay niya. Alam kong nagtataka siya sa mga nangyayari.

Hindi pa ako makapag paliwanag sa kay Michael ngayon. Sa ngayon iniisip ko kung saan kami pwede pumunta.

Naisip ko kaagad si Aira pero alam kong maliit ang apartment niya at kasama niya ang ate niya ngayon, ayoko naman na maka abala ako sa kanya.

Inisip ko lahat ng mga kaklase ko, alam kong may sarili silang mga pamilya at ayoko naman maka abala sa kanila. Alam ko lang na si James, Temmie, Sheen, at Robin ang mag isa sa tinitirahan nila. Kaso hindi ko naman alam kung saan ang mga bahay nila. Gulong gulo na ang isip ko.

Nang mapagod kami sa paglakad ay umupo muna kami sa gutter na nakita namin. Sumenyas ako kay Michael na hindi kami pwedeng umuwi ngayon at sinabi ko sa kanya na mamaya ko na ipapaliwanag.

Class Genius 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon