Kier
Ilang linggo na din ang nakalipas na wala akong ginagawa para pigilan si Rhacie. Gusto kong may magawa naman ako ngayon, sapat na ang oras na ipinaubaya ko para kay Nics.
Dismissal time, as usual we gathered together here at the school park. Waiting, napaaga kasi ang uwian ngayon dahil may inaasikaso ang mga teachers.
"Una na ako guys!" Paalam ni Rhacie at tumakbo na siya palabas sa gate.
Akmang sasakay na si Sheen sa motorsiklo niya pero pinigilan ko siya."Sheen." Lumingon naman sa akin si Sheen at kinaway ko ang kamay ko na ipinagtaka niya.
"What?" Aniya
"Tatanungin lang kita kung..." di ko maituloy ang sasabihin ko. Hindi ako sanay ng ganito.
"I know this is lame, but should we have our boys talk? All of us." Sabi ko.
"Voice na nga, talk pa HAHAHA"
"Baka gusto mong matoktokan." Dahil sa sinabi ko ay nanlaki ang mata ni Sheen at humagalpak ng tawa.
"Ikaw ha Kier, may corny side ka din pala. HAHAHA!"
Nevermind. Sumama parin naman si Sheen dahil hindi naman siya KJ. nang makaalis na ang lahat ng girls ay nag open kami ng sarili naming forum.
"This sounds corny, and weird." Ani Robin.
"But interesting." Sagot naman ni Calli.
"Hindi ko alam na ang matalinong si Kier, kahit halos lahat ay kayang gawin, ay isang torpe" Nakangising sabi ni James na agad namang dinipensahan ni Calli. Sige ipaglakasan mo pa.
"Ganun naman talaga pag totoo ka sa nararamdaman mo, nakakahiyang aminin." Dahil doon ay napunta ang atensyon namin sa kanya.
"Sumusuko ka na ba kay Gracie?" Tanong ko.
"In the first place ay walang kami, paano ako susuko sa isang bagay na hindi naman sigurado." Sagot ni Calli.
"Pero pwede mo naman siyang agawin." Nakangising sabi ni James at pinasayaw ang kilay niya.
"That's lame. Sapat na sigurong crush ko siya. At natititigan kahit sa malayo lang." Ani Calli.
"May mga babae talagang kahit malayo, okay nang titigan. Mayroon din namang, okay nang malayo kahit huwag mo nang titigan HAHAHAHA" Banat naman ni Sheen at agad itong binatukan ni James.
"Aray ko po, nahahawa ka na kay Rhacie. Haha" Natatawa tawa niyang sabi.
Patuloy lamang kaming nag usap at si James ang tila nagsilbing instructor namin. Nakakahiya at nakakasuka ang mga ipinapagawa ni James ngunit nagkaroon kami ng dare na pag hindi nagawa ay may kapalit. Kaya napilitan na lamang kami, wala nang atrasan ito.
---
Bago ako pumasok sa study ay ilang beses kong pinagpagan ang uniporme na suot ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri.
BINABASA MO ANG
Class Genius 10
RandomA class section composed of the ten most intelligent students in Angeles High. A story of competition, friendship, love, family, and dreams.