Kabanata 77: (MD) Call a Friend

502 37 8
                                    

Margarette

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Margarette

"Hi I'm Aira!" Inilahad ng kapwa batang 6 years old ang kanyang kamay sa akin. Ngunit tinitigan ko lamang ito.

"Huy maglaro tayo!" Pilit niyang kinuha ang mga kamay ko at tumakbo kaming dalawa papunta sa play ground.

"Ako si Aira! Ano pangalan mo?" Hindi parin ako tumugon sa sinabi niya kaya naman napakunot ang noo niya. Nakita niya ang nameplate kong nakabaliktad, agad niya iyong itinama.

"There... Ikaw si, Margarine." Napabusangot ako at umiling iling dahil sa sinabi niya.

"Ay hindi pala, Mar... Maggie nalang nga! Iyun na lamang itatawag ko sa iyo! Mukha naman noodles buhok mo eh." Inabot niya ang kamay niya na may buong ngiti kaya naman inabot ko din iyon bilang tugon.

"Mula ngayon, tatandaan mo ang pangalan ko ha? Ako si Aira at mag best friends na tayo!" Tila naguluhan ako, best friends?

"De Guzman, De Vera... Kayo ang magkatabi. Seat here." Buong ngiting naupo si Aira sa aking tabi.

"Mag best friends talaga tayo Maggie! Pinagtabi pa tayo ni teacher!" Huh. Alam ko ay may kinalaman sa apilyedo namin ang pagkakasunod sunod ng upuan.

Pumangalumbaba siya sa table at tumingin sa akin...

"Kailan ka ba magsasalita?" Dahil sa tanong niya ay may naalala akong boses...

"Huwag na huwag kang magsasalita. Shhhh..."

He placed his index finger on my lips as I tremble in fear.

I woke up full of sweat! Akala ko maganda na yung panaginip pero yung bandang dulo ayaw ko nang isipin yun. Mabuti na lamang at nagising ako sa tawag.

Riiiing!!!

My phone is still ringing, I immediately answered it as soon as I saw Aira's caller ID.

"Hello? Maggie naka istorbo ba ako?"

"Uhm, hindi naman. I was just taking a nap." Napatingin ako kay Michael na katabi ko. Buti hindi siya nagising sa ringtone ko.

"Waaaaa I need you now Maggie!" Aniya kaya naman mabilis akong bumangon.

"Okay, I'll come over."

---

"I'm doing my best Maggie. Sana kayanin ko." I smiled when Aira said that matapos ang mahaba niyang kwento.

Kasalukuyan akong nandito sa unit niya dahil tinawagan niya ako for some advice, ako naman to the rescue kasi alam na alam ko ang mga problema niya. As usual, yung mga insecurities niya sa ate niya. Kung alam niya lang sana...

Back at that day.

Nang makapasok kami sa bahay nila.

"Wowwww. Gusto ko yan!" Ani Sheen habang sa hinain ni ate Aris. Kahit ako ay natatakam na sa amoy noon, specialty talaga nila ang seafoods.

Class Genius 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon