Kabanata 74: (GS) Series of Events

506 40 17
                                    

Gracie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gracie

"Nakakagulat Rhacie! Ang laki laki mo na!" Magiliw na sabi ng isa sa mga tiyahin ni Rie.

Kasama kaming bumisita sa syudad ng Arden Ave. Ito yung syudad na malapit lamang sa Riseia.

"Mas nakakagulat naman po siguro kung hindi si Rhacie lumaki no?" Dahil sa sinabi ni Sheen ay siniko ko siya.

Huli na, dahil nagtatawanan na yung mga kamag anak ni Rie pati na rin sila James. Sinamaan naman siya ng tingin ni Rie.

"Si Maggie nakakagulat." Nang sabihin iyon ni James ay kumunot ang noo ni Maggie.

"Bakit pag usapang height palagi na lamang akong nadadamay." Reklamo nito kaya maging kami ay natawa. Maggie used to be so silent pero dahil palaging sinasali siya sa usapan ay napipilitan siyang makipag palitan ng salita.

"You have nice friends Rie." Ani tita ni Rie habang tinitingnan kami isa isa.

Pinakilala naman kami ni Rie pero feeling ko hindi naman maaalala ang mga pangalan namin sa dami namin.

"Faustino?" Nagkatinginan ang ibang kamag anak ni Rie nang sabihin ang pangalan ni Kier.

"Manliligaw po niya yan." Sabat ni James ngunit tinakpan ni Calli ang bibig nito.

"Issue kayo." Sambit naman ni Aira. Dahil doon ay na hot seat pa tuloy si Kier.

"Kaano ano mo pala si Kirov?" Dahil sa tanong ng tita niya ay nabigla ako. Binanggit niya lang naman ang pangalan ni uncle.

"He's my dad." Nang sabihin iyon ni Kier ay natawa ang tita ni Rie.

"Really? You look more handsome than your dad." Ani tita ni Rie.

Kahit ako ay naintriga, kakilala ng tita ni Rie ang dad ni Kier.

"Just don't mention me to your dad for sure hindi naman ako kilala non. Kaya ko lamang siya kilala ay dahil sikat siya noong nag aaral kami. Campus crush kumbaga." Dahil sa sinabi ng tita ni Rie ay nag pogi pose si James at hinawi pa ang buhok niya.

"Lakas ng self confidence ah." Bulong naman ni Temmie.

"Pero is it true that you're courting our Rhacie?" Dahil sa muling tanong ng tita ni Rie ay napa "ayieee" na lamang kami at hindi naman makasagot si Kier.

"Hindi po."

"Opo." Nag chorus ang sagot ni Kier ag Rhacie kaya naman napa-ohhhh na lamang kami.

"Pumayag ba ako?" Pagtataray ni Rie.

"I didn't ask for your permission." Agad naman na sagot ni Kier kaya natawa na lamang ang tita niya.

"Oh huwag kayong mag away, mga kabataan talaga ngayon."

---

Nang matapos ang pakikipag kulitan namin sa tita ni Rie ay nagpunta kami sa hospital kung nasaan ang lolo niya at binisita namin ito. Natuwa naman ang lola ni Rie at madaming kinuwento sa amin. Aniya, natutuwa siyang makita na madaming kaibigan si Rie ngayon dahil nung elementary ay palagi daw itong nabubully.

Class Genius 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon