Kabanata 43: (GS) Confusion

872 57 2
                                    

Gracie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gracie

"Malapit na ang exams para sa midterm, mas mag focus ka sa pag-aaral kaysa sa kung anu anong isipin."
Napalingon nalang ako kay Sheen nang sinabi niya yon matapos niya akong tabihan dito sa sofa.

Napabuntong hininga na lamang ako
"Sheen, di ko alam. Masyado akong nag aalala. Kay Arvin, kay Dad... Sa kahihinatnan ng lahat."
Syempre open ako sa kanya para sabihin ang mga bagay na ito. Mabuti na lamang at kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa salas ng Study.

"Sa madaling salita, ako ang pinoproblema mo." Napalingon ako agad kay Sheen at nakita ko na nakangiti siya ng mapait at nakatingin sa malayo kahit ako ang kausap niya.

"Nagsisisi ka na ba?" Dahil sa tanong niya ay pakuwari ko'y kinurot ang puso ko.

"Hinding hindi ako nagsisisi Sheen, at hindi kita tinuturing na problema. Sa totoo nga niyan, sa lahat ng mga desisyon na sinusubukan kong gawin, eto ang gusto kong panindigan."

"Nag aalala ako para sa iyo Gracie. Wag mo kong masyado isipin okay? Kahit ano man ang mangyari, mauunawaan ko dahil mas kilala kita. Kaya cheer ka na diyan." Pagkasabi niya nang mga katagang iyon ay tumitig siya sa akin at ngumiti ng matamis. Tinapik niya ako sa ulo at nakaramdam ako ng pagiging positibo.

Kahit di sa akin sabihin ni Sheen, batid ko na madami din siyang iniisip pero mas inuuna niya parin na palakasin ang loob ko.

"Kasalanan mo talaga to Gracie e." Aniya habang tumatawa.

"Ha? Bakit ako?" Sagot ko.

"I know I'm not good enough for you. Inaamin ko na noon palang nagustuhan na kita. Pero hindi ko kayang aminin, madami akong bagay na gustong i-consider. Yung estado ng buhay ko kumpara sa iyo, yung mga dala kong problema. Madami e, pero nung sinabi mo sakin na gusto mo ako. Nagkaroon ako ng lakas ng loob kasi sa iyo na mismo nanggaling kaya kasalanan mo haha. Noon, iniisip ko na wala talaga akong pag-asa sa iyo. Ni hindi ko nga naisip na magkakagusto ka sakin kahit crush lang. Sobrang naamazed ako kaya gusto ko din na ibalik sa iyo ang pabor."

Napangiti ako sa sinabi niya. Di ko akalain na minsan vocal din si Sheen. Alam ko naman na nagsusumikap talaga siya para alisin ang puwang sa pagitan naming dalawa at maabot niya ako. Mula noong sinabi kong gusto ko siya, palagi na siyang busy at naghanap siya ng sideline na trabaho. Nagsimula siyang magkumpuni ng mga sirang sasakyan, di ko alam na may pagkamekaniko pala itong si Sheen. Nalaman ko lang iyon mula kay Kier, pero hindi ni Sheen pinapaalam sa akin.

"Uhm Gracie, susunduin ka ba niya mamaya?" Akmang magbabasa na ako ng mga lesson nang bigla niya akong tinanong.

Napatingin ako sa kanya at nakaramdam ako ng lungkot pag nakikita kong pilit siyang ngumingiti.

"Oo Sheen, sorry di ako makakasabay sa iyo. Kailangan ko din siyang kausapin. Mula noong sinabi niya yun kay dad di pa kami nag uusap, ngayon lang ang pagkakataon ko."

Class Genius 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon