Kabanata 5: (TV) Unexpected Guest

1.6K 92 23
                                    

Temmie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Temmie

"Excited na akoooo!" Ani Aira, tinutukoy niya ang magiging activity namin sa Isla Valencia sa sabado.

"Talaga? Wala ka ngang naitulong mas excited ka pa?" Ani Rhacie. Mukhang umaandar na naman ang pag aaway nila.

"Minsan napapaisip talaga ako kung top 2 ka. Sa attitude palang bagsak ka na." Ani Kier habang hindi inaalis ang tingin sa libro.

"Baka naman kaya ka top 2 kasi sa attitude ka nga bagsak? HAHAHA try mo kayang magpakabait baka maging rank 1 ka pa. " Gatong naman ni Aira

Nagngingitngit na ngayon sa galit sa Rhacie, lumapit naman si Gracie at tinapik tapik ito sa likod.

"Rie tama na yan, di dapat tayo nag aaway away." Mahinahong sabi ni Gracie.

Bumuntong hininga si Rhacie at nag walk out. Natawa naman si Aira sa reaction nito.

Mukhang natalo si Rhacie sa sagutan nila ni Aira ngayon dahil sumabat si Kier. Mapanganip to. Di nila alam na hindi dapat ginagalit si Rhacie

"Guys, may gusto akong gawin pwede ko bang hingiin ang oras ninyo? Kahit limang minuto lang na makinig kayo sa akin." Ani Gracie.

Nakita ko naman na umayos ng upo si Calli at lumapit kay Gracie. Teka, kailan pa naging ganito si Calli? Sa pagkakaalam ko, hindi siya yung tipong nagiging interasado agad pag may nag uusap sa amin.

Nakita ko naman sa mukha nila na nagtaka sila sa inasta ni Calli kaya wala silang magawa kundi sumunod din.

Totoo nga na kapag mabait ka sa tao, babalik sa iyo ang kabutihan na pinapakita mo. Iyan ang nakikita ko ngayon kay Gracie.

"Wait lang ha tatawagin ko lang si Rhacie." Aniya.

"Ano naman kaya ang pakulo ni Gracie?" Tanong ni Aira

"She's pure. I don't think she has ulterior motives. Sadyang mabait lang si Gracie at gusto niyang magkasundo tayo." Ani Calli.

"I agree." Tipid na utas ni Kier.

Dumating na nga sila ni Rhacie at naupo. Sinimulan naman ni Gracie na maglabas ng isang maliit na libro.

"Bible?" Tanong ko naman. Tumango lang si Gracie.

"Gusto ko lang ishare sa inyo ang nalalaman ko. Napapansin ko kasi na puro lamang tayo sa academics nakafocus, maganda din kung hindi lang utak natin ang papakainin natin ng kaalaman kundi, marapat din na pakainin natin ang ating kaluluwa." Aniya, kinilabutan ako bigla sa sinabi niya

Pinayuko niya kami at saglit siyang nanalangin. Tapos ay binuklat na niya iyong bibliya.

"Deceit is in the hearts of those who plot evil, but those who promote peace have joy." Ani Gracie

"Proverbs 12:20 right?." Tanong ni Calli. Oo nga pala mahilig siya sa poetry malamang memorize niya ang buong book ng proverbs.

Tumango si Gracie at muling nagsalita. "Hindi ito para pangunahan kayo, pero kung puro kasinungalingan, masasamang bagay, inggit, pagmamataas, at sobrang kumpiyansa sa sarili ay mabuti pa na hindi nalang binigay ng Panginoon sa atin ang ating mga talino. Hindi naman naiiwasan na hindi ka makakasakit ng damdamin ng isang tao basta 'wag mo itong gawing intensyonal o gawing routine ng buhay mo."

Class Genius 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon