Kabanata 15: (GS) Fruit Galore

1.1K 71 3
                                    

Gracie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gracie

"Tada!" Pagkasabi ko noon ay inilapag ko ang mga hiwa hiwang prutas sa lamesa. Nagtinginan naman sila dahil maganda ang presentasyon noon.

"Wow, iba to ngayon ah!" Ani Sheen at agad na kumuha ng sliced oranges.

"Let's eat something healthy kasi lagi nalang sweets ang pinapakain ko sa inyo."

Kumuha naman si Rie ng strawberry at nginuya iyon habang nagbabasa.

"My favorite. Thanks Gracie." Ani Kier habang kinukuha yung slice ng dragon fruit. Natawa naman ako nang kinagat niya iyon dahil nagmantsa sa bibig niya. Para siyang may lipstick.
Nang tumingin naman ako kay Rie ay naka awang ang bibig niya na para bang ayaw niya nung dragon fruit.

"That looks weird. Ano yan" Ani Aira

"HAHAHAHA wala kasi niyan sa bundok!" Gatong naman ni Sheen at agad na inirapan siya nito.

Napansin kong lahat sila ay kumukuha ng mga prutas pwera sa isa.

"Ruru, hindi ka ba kumakain ng prutas?" Tanong ko. Agad naman siyang bumaling sa akin.

"Oo nga Robin? O baka wala lang siya sa mood?" Ani Temmie at ngumunguya naman ito ng pinya.

"Wala yung mga prutas na nakasanayan kong kainin diyan eh." Sagot ni Robin.

"Ano naman yun?" Tanong naman ni James.

"Durian, mangosteen, at marang." Sagot ni Robin.

"What are those? Pangalan palang parang di ko na type iww" ani Aira.

"Ang arte talaga." Sambit ni Rhacie.

"Alam ko na! Mag fruit galore tayo this weekend!" Masigla kong sabi.

"Maganda yan! Maganda kung tayo pa ang pipitas!" Ani Rhacie na game na game.

"Baka hindi ako makasama. Papatapos na yung project namin at gahol na kami sa oras. Sorry." Ani Aira.

"Okay lang hindi naman namin kailangan ng pabigat" bulong ni Rhacie.

"Anong sabi mo?" Ani Aira at nagngingit sa inis.

Kahit kailan talaga hindi nauubusan ang dalawang ito. Lagi nalang silang ganyan kaya sanay na kami.

"Sorry kung bingi ka, wala na akong balak ulitin." Ani Rhacie

"Let's set!" Sigaw ni Calli kaya naputol ang init sa dalawa. Napapout naman si Aira sa labis na panghihinayang.

"Ipagtira niyo nalang ako ha." Malungkot niyang sabi.

∽∽∽

"Wow! Ang ganda ngayon lang ako makakapunta dito!" Ani Rhacie.

Papunta kami ngayon sa Farmer's Garden. Isang malaking plantation ito kung saan may iba't ibang gulay at prutas na tanim. Gamit ang itim na van namin, ngayong weekend yung napag usapan namin. Excited si Rhacie habang nakatingin sa magazine tungkol doon sa lugar.

Class Genius 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon