Kabanata 72: (RA) Favor

567 46 9
                                    

Robin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Robin

"Boom!" Tuwang tuwa ang nilalang na nasa aking harapan ngayon at may pag palakpak pa nang tuluyan ngang matumba ang tore ng Jenga sa paghila ko.

"Talo ka Ruru! Ipagluluto mo ako!" Masaya niyang sigaw kaya naman napapikit ako.

"Alam mo Donna, tahimik palagi dito sa unit ko, pero pag dumarating ka umiingay." Patuloy lamang siyang ngumiti na tila ba hindi alintana yung sinasabi ko.

"Dali na! Gutom na ako eh!" Aba demanding pa.

"Teka nga, teka nga. Hindi pa ba sapat na nakiki-bwisita ka dito, tapos gusto mo paglilingkuran pa kita ngayon?" Tumango-tango lamang siya habang malawak ang ngiti. Minsan nagtataka ako kung bakit top 1 siya ng section nila sa Einstein, hindi kasi halata sa ugali niyang makulit.

"Sige, pagkatapos ba babalik ka na sa unit mo?" Dahil sa sinabi ko ay sumimangot si Donna

"Ayoko doon, malungkot mag-isa eh." Nang sabihin niya iyon ay tumunog ang kanyang cellphone at agad naman niyang chineck ito.

"So you're invading my personal space now?" Muli siyang tumango-tango at may kasama pang dalawang thumbs up kaya naman napahilamos nalang ako sa aking mukha.

Ito ang rason kung bakit bihira ko nang mapapunta sila James dito, madalas na tumambay si Donna at baka may isipin silang kung ano. Hindi ko rin naman maiwasan isipin na baka pag mag-isa ito eh kung anu anong iniisip niya mula noong nalaman ko yung tungkol sa malungkot niyang buhay at pagkawala ng kapatid niya. Kahit paano, sana nakakatulong ako sa kanya sa ginagawa ko, kahit na no choice naman talaga ako.

"Kung pwede nga eh, dito na din ako matutulog." Dahil sa sinabi niya ay tiningnan ko siya na may kahalong tingin ng naiinis kaya naman agad siyang nag-peace sign at ngumisi habang nag ta-type sa cellphone niya.

"Sige na, ipagluto mo na ako, babalik na ako sa unit ko. Pupunta sila Meriam mamaya kaya damihan mo ha?" So may mga bisita din pala siyang dadayo mamaya, mabuti na yun at hindi palaging ako na lamang ang pinagkakatuwaan niyang guluhin.

"Magulang ko nga hindi ako mautusan, tapos ikaw walang pakundangan." Tinawanan niya lamang ang sinabi ko at tsaka binuksan ang telebisyon at tila binugaw ako para paalisin. Tss.

Kahit labag sa loob ko ay tumayo ako upang maglakad papuntang kusina, ngayon magluluto pa ako ng pagkain nilang magkaka-klase. Magaling.

"Robin-- Oh hello!" Narinig ko naman ang boses ni kuya. Malamang ay kay Donna siya nag hello.

Sinimulan ko nang magpakulo ng pasta dahil wala naman akong maisip lutuin edi spaghetti nalang. Hindi naman kasi ako si Gracie.

"Robin." Narinig ko si kuya na nagsalita mula sa likod ko.

"Oh?" Tanong ko ngunit tinitigan niya lamang ako na parang nag aalala.

"Napapadalas na iyang si Donna dito, baka mamaya--"

Class Genius 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon