Kabanata 82: (JH) It's Her, After all

473 29 30
                                    

James

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

James

"Magaling, wala akong masabi. Congratulations." Nakangiting sambit ni Keiko matapos namin mag submit ng feedback report patungkol sa naganap na event.

Nandito kaming muli sa SSG office matapos ang successful valentine event. Wala akong makitang maireklamo ang SSG sa amin matapos ang lahat ng ginawa ni Temmie na effort.

"Psshhh. plastic." Inis na bulong ni Rhacie.

"May sinasabi ka ba Ms. Herrera?" Ani Keiko kaya naman halos lahat ay napatingin kay Rhacie.

"Sabi ko, may plastic!" Ani Rhacie at dinampot ang isang piraso ng candy wrapper sa sahig at itinaas. Tila seryoso naman ang SSG halatang nang gigigil na.

"Mukhang walang naglilinis ng office niyo." Ani Aira na tila nagbubugaw ng alikabok sa hangin.

"Tama na yan." Pag aawat ni Kier. Napabuntong hininga naman si Keiko, teka bakit ba ganito ang mga babae, mahihilig makipag away.

"Pasensya na pres. Medyo makalat kasi sa office niyo kaya nag rereact sila." Dugtong pa ni Kier. Sa arte ba naman ni Aira, magrereklamo talaga yun pero yung kay Rhacie, alam ko medyo personal talaga yun e.

"Pasensya na din kung ganito yung office. Alam niyo naman na walang tao dito kaya walang nakapaglinis. Sobrang abala kasi ang SSG, hindi katulad ng iba dyan e." Pagkasabi ni Keiko non ay tumayo siya habang binubuklat ang financial report.

"Gusto ko din magpasalamat sa effort niyo para makapag fund raising. Malaking tulong ito sa SSG..."

"Syempre magaling si Temmie siya nagplano ng lahat Pres, diba babe?" Sambit ko sabay kurot sa pisngi ni Temmie ngunit siniko niya ako kaya naman naapabitaw ako. Ang sunget naman hmmp. Napailing naman si Keiko habang nakangiti.

"Well, she's part of the council. Thanks a lot Temmie." Wala namang reaksyon si Temmie sa sinabi ni Pres. Ano ba iyan!

"Hmmm. Sa palagay ko wala na akong sasabihin, pwede na kayong bumalik sa study. Maglilinis na din pati kami ng office... Meeting adjourned." Pagkasambit niya noon ay tumayo na kami upang lumabas ng office. Ngunit tila napahinto kami nang muling magsalita si Keiko.

"Mr. Hernandez, pwede ba kitang kausapin mamayang lunch?" 

"Sure Ms. President." I looked back and smiled at her, pagkatapos ay diretso na kaming lumabas. Looks like my plans are going to work.

---

"Hoyy, Hoyyy! Ano yun ha?" Hindi pa man kami nakakalayo masyado sa office ay tila ginugulo na agad ako nila Sheen at Calli.

"Secret." Natatawa kong sambit.

"Bakit ka kakausapin ni pres?" Nang mapalingon ako ay maipipinta sa mukha ni Temmie ang pagtataka.

"Selos ka babe?" Ngumiti ako at inakbayan siya. Agad niya namang inalis ang kamay ko at pinilipit pa!

"Bakit ako mag seselos? Mangarap ka Santiago!"

Class Genius 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon