Happy 800 reads☺️ thank you!
Also read my other stories : Stars and Beyond. Thank you! Follow kita
"Di Makapag move on"
Sa pagmulat ng aking mga mata
Ikaw agad ang nasa isip sinta
Sabay ngingiti na parang sira
Ngunit tutulo rin ang luha
Sapagkat maaalala kong tayo'y wala na
Di pa rin kasi masanay ang puso ko
Kaya palaging naghihintay sayo
Kahit wala ng tayo
Kahit iba na yung mahal mo
Di ko parin maiwasan na
Baka isang araw bumalik ka
At sasabihin mong "mahal pa rin kita
Congrats sakin ang t*nga ko pala talaga
Sorry ha!mahal kasi talaga kita ng sobraAng hirap kasi kapag nasanay na
Nasanay na ako na palaging ikaw ang kasama
Kasama sa saya, lungkot,selebrasyon,at problema
Ang hirap makalimot lalo na at sobrang mahalaga
Buti ka pa nakausad na
Samantalang ako hindi pa
Palaging binabalikan ang ala-ala nating dalawa
Nakalubog parin sa nakaraan kasi hindi ko pa kaya
Di ko parin kasi matanggap na wala ka na
Para akong halamang nalanta
Simula ng nawala ka
Para akong bulaklak na nawalan na ng ganda
Yung dating makulay kong mundo naging malungkot na
Bakit ako nagkakaganito?
Dati naman hindi ako ganito
Anong ginawa mo?
Kasi hanggang ngayon ikaw parin yung mahal ko
Wala pala talaga sa tagal ng pagsasama
Kundi sa pagtitiwala at kailangan palagi kayong may oras sa isa't isa
Di sapat yung mahal nyo lang ang isa't isa
Pwede parin kasi agawin sayo sya
Pwede parin syang mawala sayo
Lalo na sa panahong may tampuhan kayong dalawa
Katulad natin na akala ko panghabangbuhay na
Sana namam makausad na ako
Mapagod na ang puso ko
Sa pagmamahal sayo
Sa paghihintay sayo
Na sa susunod na kabanata ng buhay ko
Masasabi kong sa wakas nakamove on na rin ako sayo
Na pagkatapos nito
Masasabi ko sayong salamat pagkat naging parte ka ng buhay ko
Na may minsang napasaya at napakilig mo ako
Na dahil sayo natuto ako
...........
![](https://img.wattpad.com/cover/163626850-288-k747760.jpg)
YOU ARE READING
Spoken Poetry
شِعرMga tulang nabuo lamang ng malawak kong imahinasyon mga salitang nakakalap ko sa isipan ko mga nararamdaman ko at kung ano ano pa