Spoken Poetry#18

106 0 0
                                    


#Kakalimutan na ba kita?

Alam mong mahal kita
Alam mong hindi ko kayang mawala ka
Alam ko ring sa sarili ko di ka na mapapantayan pa ng iba
Ngunit kailangan bang kalimutan natin ang isa't isa

Paano naman ang ating pinagsamahan
Paano na ang ating pagmamahalan
Ang mga pangako ko saking hindi ko na dapat asahan
Hahantong nalang ba ang lahat sa kalimutan?

Ibinigay ko naman ang lahat lahat
Ngunit para sa iyo'y hindi parin ito sapat
Minahal kita ng sobra kahit hindi dapat
At sinabi mong hindi tayo ang sa isa't isa'y nararapat

Kakalimutan na ba kita?
Kahit alam kong sa sarili ko hindi ko pa kaya
Hindi io pa kayang mag-isa
Hindi ko pa kayang mawala ka
Pagkat mahal na mahal pa kita

Kakalimutan na na kita?
Kailangan ko na bang palayain ka?
Kailangan ko ba talagang bitawan ka kahit ayaw ko pa?

Mahal paano naman ako kung umayaw ka na?
Paano naman ang mga pangako natin sa isa't isa?
Hindi ko pa kayang kalimuta ka at matira akong mag-isa

Pagmamahalang mauuwi nalang na sa kalimutan
Relasyong mapupunta nalang sa hiwalayan
Puso kong patuloy lang na masasaktan
Pagkat kailangan ko ba talagang ikaw ay kalimutan?

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now