#Pagtingin
Sa unang tingin
Ako'y di mo agad mapapansin
Sino ba ako para kilalanin?
Isang hamak na lalaking may pagtingin
Pagtingin na hindi mo ramdam
Sapagkat ayoko ring iyong malaman
Ako'y tumitingin ng palihim
Sumusulyap pag di ka nakatingin
At di ko kayang mawala ka sa paningin
Teka sandali ikaw muna ay aking hahanapin
Bakit ba kasi umaalis ka sa pwesto mo ng walang bilin
Bakit ba kasi sa puso ko ang hirap mong tanggalin
At ang sa iyo'y pagtingin
Di ko na kaya pang dalhin
Di ko na kaya pang ilihim
Ngunit ako'y nangangamba
Baka sa oras na sabihin ko na
Lumayo ka na lang basta basta
Hindi na nga kita makausap tapos lalayo ka pa
Sana mapagbigyan
Pagmamahal kong para sayo lang
Kaya sana ay mabigyan
Kahit konting pagkakataon lang
Mahal kita
Ngayon alam mo na?
Ang tanong ko lang may pag asa ba?
May pagasa ba ako na mahalin ka
Hindi ko maipapangako na hindi kita papaiyakin
Pagkat gusto kong makita kang umiyak kapag sinabi kong pwede bang maging akin?
At sa altar ikaw ay aking dadalhin
Kung palagay mo ay trip lang kita
Halika sa magulang ko papakilala kita
Kung iniisip mo na ako'y nambobola
Saan ang bahay nyo at ako'y mamamamhikan na
Mapatunayan ko lang na ikaw lang talaga
Kung sa tingin mo'y di ako seryoso
Hayaan mong lumuhod ako sa harapan mo
Kahit pa sa harap ng maraming tao
Kung iniisip mong naglalaro lang ako sayo
Tara sa simbahan pakasal tayo
Maaaring isipin mong ito'y kahibangan lamang
Ngunit ako'y walang ni pagaalinlangan
Sana'y iyong maunawaan
Na ang pagibig ko sa iyo'y purong katotohanan
Kung sakali mang hindi ka pa handa
Wag mong isiping baka hindi ka na mahihintay pa
Pagkat kahit umabot man tayo ng isang dekada
Asahan mong pag ibig ko'y di na magbabago pa
Subukin man ng tadhana
Paghiwalayin man ng iba
O kahit lumayo ka
Asahan mong hahanapin kita
Wag mong isiping baka makahanap pa ako ng iba
Pagkat alam kong iyon ay di na mangyayari pa
Pagkat sa puso ko'y ikaw lang talaga
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryMga tulang nabuo lamang ng malawak kong imahinasyon mga salitang nakakalap ko sa isipan ko mga nararamdaman ko at kung ano ano pa
