Spoken poetry #26

101 0 0
                                    

Mahal natatandaan mo pa ba?
Kung saan magkasama tayo sa selebrasyon at problema
Kung saan ang ala-ala natin ay sariwa pa
Na ang mundo pa natin ang isa't isa

Sa lahat ng problema ay lakas loob nating haharapin
Lahat ng hirap ay susuungin
Lahat ng sakit ay kakayanin
Dahil sabi mo, makakaya natin

Makakaya nating harapin ang lahat
Pilit itinatama ang mali kahit hindi dapat
Ang tatag ng ating relasyon ay hindi naging sapat
Dahil unti unti kang sumuko dahil sabi mo hindi na nararapat

Pero mali, mali, mali yata ako
Dahil iba na yata ang gusto mo
Nakikita ko sa mga ngiti mo ang saya kapag sya ang kasama mo
Natitiis mong magulo tayo habang kausap mo siya sa telepono

Oo mali, mali na umasa parin ako kahit wala na nga palang tayo
Mali oo, mali na hanggang ngayon ikaw parin yung mahal ko
Mali, na hanggang ngayon umaasa akong babalik ka pa sa piling ko

Tama ka, hindi na dapat akong umasa
Umasa na baka pwedeng maging tayo ulit na dalawa
Na baka pwede pang maulit ang masasayang ala ala nating dalawa

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now