Spoken poetry#10

145 0 0
                                    


#Sana ako nalang

Andito ka na naman sa aking tabi
Nagtatanong kung saan ka nagkamali
Sa pag ibig ikaw na naman ay sawi
Paulit ulit kang umiiyak
Di nya manlang nakita na ang puso mo'y wasak

Sya na naman ang may gawa
Sya na naman ang dahilan ng iyong pagluha
Sya na walang ibang ginawa
Kundi maglaro at manloko ng kapwa
Di ka parin ba nadadala?
Ilang beses ka ng lumuha
Ilang beses ka ng nadurog ng paulit ulit
Sa pagibig na kay pait

Bakit kasi hindi nalang ako?
Ako nalang yung mahalin mo
Ako nalang yung mapansin mo
Sana ako naman yung mahalin mo

Andito naman ako
Palaging nasa tabi mo
Sinasamahan ka sa lahat ng trip mo sa mundo
Kahit nasaan ka ay darating ako

Bakit hindi mo makita yung halaga ko?
Oo nga pala, sya nga lang pala yung nakikita mo
Sino nga ba ako?
Isa lamang na kasama sa lahat ng trip mo

Anong laban ko sa kanya?
Sya yung mahal mo
Sya yung happines mo
Sya yung kailangan mo

Sana ako nalang yung mahalin mo
Hindi ko man sya kayang pantayan sa puso mo
Pero hindi naman kita sasaktan na katulad ng ginawa nya sayo

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now