Spoken poetry #25

97 0 0
                                    


#Para sa taong nakilala ko lang pero agad ay minahal ko

Isinulat ko ang tulang ito para sa isang taong nakilala ko
Pero agad ay minahal ko
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko

Unang tingin ko palang sa'yo
Agad mong nakuha ang atensyon ko
Gamit ang mata mong seryoso at misteryoso
Napabilis mo agad ang tibok ng puso ko
At nang mga oras na iyon nasabi kong ikaw na kaya at ako?

May kakaiba lalo na ng magtama ang ating mga mata
Paulit-ulit sa isip ko'y sinasabi na baka ikaw na
Magmula noon ay hindi ka na maalis sa isip ko sinta

Naging stalker mo ako
Palaging nakatingin sa litrato mo.
Kahit anong gawin ko napapangiti ako pag pumapasok ka sa isip ko
Kinikilig sa bawat reply mo na hindi ko napapansing nahuhulog na ako sa'yo
Hanggang sa hindi ka na naalis sa isip ko

Crush lang kita dati pero minahal na kita
Sa paglipas ng araw ay nahulog nalang ako ng kusa
Hanggang sa hindi ko na mapigilan ang aking nadarama
Hanggang sa naisip kong hindi nga pala tayong dalawa

Para ka kasing anghel sa paningin ko
Ang mukhang mong seryoso
Ang kilos mong misteryoso
At ang nakakabaliw na ngiti mo

Ikaw na ikaw ang tipo ko
Misteryoso at seryoso
Sa puso ay may Kristo
At kapag nakatingin ako sa iyong litrato
Parang sinasabi mo saking hindi mo ako hahayaang mawala sayo

Alam ko naman na iba ang gusto mo
Kaya naman sinubukan kong itago na lang ang nararamdaman ko
Sinubukan kong kalimutan nalang ang nadarama ko sa'yo
Pero ang hirap kasi naging importante ka na sa buhay ko

Siguro hindi pa ito ang panahon para sa ating dalawa
O baka hindi talaga tayong dalawa
Pero kung God's will, God's will naman diba?

Hahayaan kong si Lord na ang magpasya
Kung alin ang mas makakabuti para sa akin diba?
Unahin na muna ang mas mahalaga
Hayaang si Lord ang magdikta

Naniniwala akong ang landas nating dalawa ay magtatagpo
Ngunit sa araw na iyon, wala na akong nararamdaman para sa'yo


A/N: base on true story O:-)

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now