.
Madaya ang mundo
Madaya ang mundo
Sa konting ngiti
May kapalit na hikbi
Sa bawat pagtawa
May kapalit na pagluha
Minsan, naisip ko na huwag na lang maging masaya
Kung may kapalit din palang sakit mamaya
Madaya ang mundo
Bakit hinuhusgan niyo agad ako kahit hindi niyo naman alam ang pinagdadaanan ko
Madaya ang mundo
Ginagawa ko naman ang lahat para manatili kayo pero bakit sa huli iniiwan pa rin ako
Madaya ang mundo
Gusto ko lang naman na may mapatunayan sa sarili ko
Pero bakit sinisiraan niyo ako kahit wala naman akong ginagawa sa inyo
Madaya ang mundo
Pag nanahimik guilty pero kapag sinabi mo naman ang side mo defensive ka masyado
Ano ba talaga?
Bakit hindi nyo subukang makinig sa kaniya?
Hindi yung puro paninira na lang ang lumalabas sa bunganga
Pakiggan niyo manlang ang siya kahit nagdadrama
Gaya ng pakikinig niya sa inyo kapag siya ay may problema
Pakiggan niyo naman sana ang hinaing niya kahit nakakasawa na
Dahil gusto lang naman niyang ilabas ang lahat ng sakit na kaniyang nadarama
Pero teka, oo nga pala
Walang interesado sa kwento niya
Walang gustong makinig sa kaniyang pagdadrama
Pasensiya, may mabigat lang siyang dinadala
Pero sana, kapag nakita mo siyang nakahiga na at pikit na ang mata
Kapag ang katawan niya ay malamig na
At nakahiga na sa puting parisukat at sa katabi nito'y may kadila't puting bulaklak
Nais ko sanang wag kayong hihingi ng tawad at iiyak
Napagod na kasi siyang lumaban
At ninais na sa mundong ito ay lumisan
Tinanggap na niya ang kaniyang masaklap na kapalaran
At nang sa ganun niyo na kailangang makinig sa kaniyang kadramahan
Tapos na ang mabigat na problemang kaniyang araw araw na pinapasan
Madaya ang mundo
Andiyan ako kapag kailangan niyo ako
Pero wala kayo kapag kailangan ko kayo
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoezjaMga tulang nabuo lamang ng malawak kong imahinasyon mga salitang nakakalap ko sa isipan ko mga nararamdaman ko at kung ano ano pa
