#Ayoko
Ayokong malaman mo
Ayokong ipakita sa iyo
Ayokong ring iparamdam sa iyo
Dahil alam kong wala rin akong pag asa sa iyo
Hindi ko naman ito gusto
Ang mahulog sa iyo ng husto
Pagkat alam kong sarili ko
Hindi ako ang nararapat sa iyo
Bawat araw na wala ka
Lalo akong nananabik na makita ka
Masilayan ang iyong bawat ngiti
Kahit alam kong ito'y mali
Gusto kita para sa akin
Ngunit alam kong di ka para sakin
Malala na yata ang sa iyo'y aking pagtingin
Kahit sa panaginip ko'y andoon karin
Handa akong maghintay kahit gaano katagal
Mapatunayan ko lang ang aking pagmamahal
Ngunit kahit gaano man ako maghintay ng matagal
Hindi ka sakin itinadhana ng may kapal
Ayokong mapunta ka sa ibang tao
Pero alam kong hindi ako ang dapat sa iyo
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryMga tulang nabuo lamang ng malawak kong imahinasyon mga salitang nakakalap ko sa isipan ko mga nararamdaman ko at kung ano ano pa
