Spoken poetry#13

125 1 0
                                    


#Magulang

Bago ko simulan ang tulang ito
Nais ko munang sabihin ang mga salitang ito
Hindi ko mang masabi sa inyo ng harapan sa inyo
Na saludo ako sa mga magulang na huwaran
Na handang magsakripisyo kahit sila'y nahihirapan

Alam ko pong mahirap maging magulang
Lahat ay inyong gagawain huwag lamang sa anak ninyo'y magkulang
Pero sana naman po kami'y inyong pakinggan
Dahil hindi rin po madaling maging anak na huwaran

Maisip sana ninyo na kami'y tao
Na katulad po ninyo
Hindi kami perpekto
Pagkat walang taong ginawa ang Diyos na perpekto

Wag naman sana ninyo kami ikumpara sa iba
Dahil kahit kailan hindi kami magiging sila
At ang pagkukumpara ninyo sa iba
Ay hindi nakakatulong samin kundi nakakasakit pa

Ang lahat ng tao ay may iba't ibang kakayahan
Iba iba ang pinagdadaanan
Kaya naman sana ay wag nyo kaming ikumpara sa kanino man
Pagkat ang sakit sakit na lahat ng ginagawa namin ay parang wala lang

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now