"Crush"
Hindi madali ang kalimutan ka
Hindi ko alam pero nahulog na yata ako ng di sinasadya
Minahal kita kahit hindi mo ako kilala
Nagkagusto ako kahit wala namang namamagitan sa atimg dalawa
Pasensya sa mga imahinasyon ko
Sa pag iillusyon ko sayo
Sa pagmamahal kong ito
Na alam kong hindi dapat kita mahalin dahil walang tayo
Mahirap kang abutin, alam ko
Hindi rin naman ako yung tipo mo
Alam ko namang iba yung gusto mo
At alam ko ring hindi magiging tayo
Pasensya kung minahal kita ng husto
Pasensya sa mga pangungulit ko
Nagbabakasakali lang ako na baka magustuhan mo rin ako
Nagbabakasakali lang ako na baka maging tayo
Natatakot ako na mag first move dahil babae ako
Pero mas natatakot ako na baka magmahal ka ng ibang magpapasaya sayo
Mahirap para sakin na tanggapin na lang na hanggang dito na lamang tayo
Na alam kong sa una palang hindi na dapat ako nag illusyon sayo
Ang dami kong nireject para sayo
Dahil nagbabakasakali akong baka sa oras na mapansin mo ako
May ibang nagmamay- ari ng puso ko
Ang dami kong pinalampas na tao
Kahit ipilit nilang sila'y seryoso
Hindi parin ang sagot ko dahil umaasa ako, umaasa akong ikaw ang sa akin ay magkagusto
Ikaw lang ang nakagawa na mapalambot ang puso ko
Wala ka namang ginagawa pero bakit nahuhulog ako
Pakisabi kung paano mo nagawa 'yon baka sakaling mawala ang nararamdaman ko para sayo
Ang hirap tanggapin na iba ang gusto mo
Sinabi ko sa sarili ko dati na kapag nagkita na tayo ay wala na akong nararamdaman sayo
Pero bakit isang tingin mo lang natutunaw na ako
Isang tingin mo lang agad bumabalik ang nararamdaman ko sayo
Ang hirap pala talagang makalimot
Kahit sa sarili ko ako'y napopoot
Paano ba kasi gawin ang salitang "paglimot"
Naiisip kita kahit saan ako magsuot
Pilit kong isinisik sa utak ko na tama na kasi may mahal kang iba
Pilit kong ginigising ang isip ko na hindi pwede tayong dalawa
Pero bakit ang puso ko patuloy paring umaasa
Umaasa na baka pwede pa tayong dalawa
Sinabi ko na dapat unahin muna ang mas mahalaga
Pero isang tingin mo lang bumabalik na naman ako sa simula
Sa bawat araw ay mas lalong lumalala
Bakit ganito? Sa isip ko hindi ka mawala
Bakit pinagpipilitan ko pa sa sarili ko ang mga baka sakali? Baka sakali na mapansin mo ako
Baka sakali na magustuhan mo ako
Baka sakali na mahalin mo rin ako
Baka sakali na may nararamdaman ka rin sa isang tulad ko
Ang hirap mag baka sakali dahil alam kong walang kasiguruhan
Walang kasiguruhan ang aking nararamdaman
Masakit kasi hindi ko kayang maiparamdam at masabi ko sayo ng harapan
Ang mga salitang "Mahal kita hindi ko alam kung kailan"
Bakit nga ba ako umaasa?
Eh wala nga palang "tayo" na dalawa
Paano ba ang kalimutan ka?
Kasi kahit anong gawin ko mahal parin kita
Sinubukan kong kalimutan ka
Sinubukan kong iwasan ang aking nadarama
Ngunit taliwas yata dahil lalo lang lumala
Pinilit kong itago pero mas lalong nagwala
Mahal kita pero alam kong hindi na dapat pa ako umaasa
Mahal kita pero tama na kasi ang sakit sakit na
Kung pwede ko lang alisin ang pagtingin ko sayo agad ko itong ginawa
Pero ang hirap kasi talaga
Crush, gusto ko nang magpaalam sayo
Pero alam ko naman na wala kang pake sa tulad ko
Mula ngayon hindi na ako mangungulit sayo
Hindi na ako magpapakita pa ng motibo
Hindi na ako mahuhulog sayo dahil sisiguruhin kong tapos na ang sa iyo'y pagmamahal ko
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoesieMga tulang nabuo lamang ng malawak kong imahinasyon mga salitang nakakalap ko sa isipan ko mga nararamdaman ko at kung ano ano pa
