#SaloobinMga kabataan na pag asa raw ng bayan
Pero kung sumagot sa magulang ay ganun ganun na lamang
Mga kabataan na imbes na makikita mo sa paaralan
Makikita mo sa kompyuteran at lansangan
Nagpapatay ng oras at naglilibang
Lustay dito, lustay doon ang perang pinaghirapang kitain ng magulangGanito na ang sistema't kalaran
Magulang na ang gustong sa anak ay maging sunud sunuran
At kapag napagsabihan ay akala mo kung sinong sumagot na akala mo'y hinahangaanNasaan na ang sinasabi ni Dr. Jose Rizal na kabataan pag asa ng bayan
Tambay na sa lansangan
Naaadik na sa droga't laman ng inumanSa panahon kasi ngayon lahat na sabay sa uso
Naglipanang scandal video
Saka ipopost sa social media para maging trending at ipagmalaki s buong mundo
Na may malalaswang caption ngunit di iniisip ang epekto
Meron pang magcocomment na bakit mo ginawa yan? Pasend naman ako
Ikaw naman iiyak iyak dahil nga sa trending nabashed ka pa ng mga tao
Humihingi ka ng kaunting respeto pero tanong sa ginawa mo ba tingin dapat kang irespeto?Sasabihin mong pasensya dahil nagmahal lang naman ako
Oh weh? Talaga ba?
Huwag bigay ng bigay porket mahal mo
Dahil ang tunay na pag-ibig ay may respetoKayang sumabay sa usong kung ano ano
Pero di manlang magkaroon ng kahit kong oras para sa Diyos na naglikha sayo
Kayang bumili ng mamahaling gamit makasabay lang sa uso
Kahit ang ulam nalang ay toyo
Kaya mong bumili ng mamahaling cellphone kahit gaano kadami ang tao ay pinipilahan pa
Samantalang ang bibliya libre na nga hindi pa makuhang mabasaNakukuha mong gumawa ng long sweet message para kay crush
Pero di manlang magkaroon kahit kaunting oras para makipagusap sa panginoon nating si Jesus ChristNagagawa mo ring magcaption ng pagkahaba haba sa dp mo
Pero di makagawa ng essay sa english at filipino
Aba! ayusin mo buhay moMga kabataang naaadik na sa mga makabagong imbensyon
Ngunit di magawang sa Panginoon ay magkaroon ng relasyonAno na bang chapter mo sa wattpad?
O ano bang usong kantang ngayon ng blackpink, bts, twice at momoland?
Pagdating dyan ang dami mong nalalaman
Pero pagdating sa bibiliya'y wala kang ka alam alamGanito na ang sistema?
Nagkalat na ang mga chismosa't mapanghusga
Nagkalat na ang krimen at karahasan sa kung saan saan
Ang mga tao'y madalas na sa inuman at sugalan
Pero wala manlang time para magpunta sa simbahanKailan kaya maibabalik na ang mga tao'y sa Diyos pa nananalig
Na hindi mo sa jowa matatagpuan ang tunay na pag ibig
Madalas mo ring sabihin wala ng nagmamahal sa'yo
Di mo ba naisip na namatay si Hesus para sa'yoGising kabataan
Hindi ito ang dapat ang nasa isipan
Hindi dapat ganito ang ating lipunan
Bakit hindi natin paghandaan ang kinabukasan?
Isagi sa isipan
Na ang di tumanggap sa kanya'y impyerno ang kasasadlakan
Ang bibiliya ay buksanNangyayari na ang nasa pahayag at nasisigurong malapit na ang wakas
Malapit ng dumating ang ating tagapagligtas
Makakasama na natin ang Ama'ng nasa itaas
Handa kaba kapag dumating na ang wakas?
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryMga tulang nabuo lamang ng malawak kong imahinasyon mga salitang nakakalap ko sa isipan ko mga nararamdaman ko at kung ano ano pa