"BESTFRIEND"Bestfriend sampung letra
Madalas mong kasama
Dalawang pantig
Iisa ang trip
Isang salita
Libo libo ang napapasaya
Pero gusto kong tanungin ka
Kaibigan nga ba talaga kita?
O kaibigan mo lang ako kapag kaharap kita
Ikaw ba ay totoo?
Sapagkat nagkalat na ang plastic sa mundo
Dapat na ba akong mag ingat dahil kabilang ka na sa mga nagkalat na plastic sa mundoHindi porke kaibigan mo
Hindi ka na pag uusapan
Minsan sila pa yung unang nangingielam
At eto pa eto a ha! Minsan kapag wala ka ikaw pa ang numero unong pinaguusapan
Kaibigan ka nga ba talaga?
O isa sa mga inggetera?
O baka na insecure ka
Kasi ang manira ng kapwa ay na master mo naBes? Masaya ka ba?
Masaya ka ba na manira na lang ng taong iyong nakikita?
Bakit kasi nalalamangan ka
Sabagay hindi na ako magtataka ayaw mo nga pala ng nasasapawan ka
Kaya pati paninira ng kapwa ay ginagawa mo na
Hindi ba Bes! Sinabi mong ang pagkakaibigan natin ay hanggang dulo
Mukhang isa na yan sa na master mo ang magsinungaling sa kapwa mo
Kaya pala! Kaya pala walang tumagal na kaibigan mo
Pagkat ang isang tulad mo ay hindi nararapat na kaibiganin kundi layuan ng kahit sinoSige pa manira ka pa kung dyan ka sasaya
Magsinungaling ka pa traydor ka
Gumawa ka pa ng istorya at ipagsigawan mo pa
Ipagsigawan mo pa sa mundo kung gaano mo pinapalabas na masama akong tao
Sige lang hindi kita pipigilan pero asahan mong wala akong pakielam
At ang sinasabing mong pagkakaibigan ay unti unti kong kalilimutan
Kalimutan na sana noon ko pa ginawa noong una mo palang na ako'y pagsinungalingan
Oo sinungaling ka lahat ng bagay ay gusto mo ay angat ka kaya kahit makasakit ka ng damdamin ay sige lang basta angat ka
Pero tandaan mo na kahit nakakaangat ka hindi ka magkakaroon ng tunay na kaibigan

YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoesíaMga tulang nabuo lamang ng malawak kong imahinasyon mga salitang nakakalap ko sa isipan ko mga nararamdaman ko at kung ano ano pa