"Pagtatalo"
Ang relasyon natin puro awayan
Tila di matatapos na tampuhan
Mas madalas pa nga ang bangayan
Kaysa sa lambingan
Kapag galit ka magagalit rin ako
Kapag naiinis ka maiinis din ako
Walang araw na hindi nagtalo
Para tayong aso't pusa di magkasundo
Tayo pa kaya'y tatagal kung palaging di tayo magkasundo
Saan ba patungo itong ating relasyong di man perpekto?
Pero mahal nais kong ako'y iyong pakinggan
Pagkakatatak sa iyong isipan
Kaydalas man na tayo'y magbangayan
Sa puso ko di ka mapapalitan
Di ko ipinapangako yan
Sapagkat mas gusto kong iyan ay panindigan
Kahit na minsan parang matatapos na
Ang relasyon nating dalawa
Mahal makinig ka
Pagkat ikaw lang sinta
Sa aki'y nagpapasaya
At ikaw lang ang mamahalin ko sinta

YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoesieMga tulang nabuo lamang ng malawak kong imahinasyon mga salitang nakakalap ko sa isipan ko mga nararamdaman ko at kung ano ano pa