#Di na mababalik pa
Matagal na ang puso ko'y nanabik
Matagal nang ang puso ko'y nanahimik
Ang bawat patak ng luha'y natuyo na
Ang bawat pighati ay nalagpasan na
Kinaya ko na ng wala ka
Tinanggap kong sa sarili ko'y wala ka
Ang bawat sugat ay nahilom na
At ang bawat sakit ay balewala na
Tila namanhid na ang aking puso
Ni hindi na makaramdam ng kahit ano
Naging kasing lamig na ng yelo
At naging kasing tigas na ng bato
Natuto na ako sa mga pagkakamali ko
Na ang magmahal ng labis sa isang tao
Ay hindi maganda't ikakabagsak mo
Na kailangang magtira ka rin para sa sarili mo
Ngayong tapos na ang lahat lahat ng aking pagkasawi
Naitama ko na ang aking bawat pagkakamali
Muli kang babalik para sirain akong muli
Ngunit patawad dahil ayoko ng magmahal ng katulad mong muli
Pasensya pero kaya ko ng mag isa
Kaya ko na kahit wala ka
Tama nga sila
Na lahat ng bagay ay may dahilan
Na sa bawat pagkakamali mo'y may rason at aral kang matututunan
Paalam sa iyo
Pagkat kahit anong gawin mo
Hindi na ako kailanaman babalik sayo
Pasensya pagkat natuto na ako
Hindi na magpapadala sa mabubulaklak mong salita
Hindi na magpapakatanga pa
Hindi na maibabalik pa ang lahat lahat sa ating dalawaa
Hindi na maibabalik pa ang lahat ng ating pinagsamahang dalawa
Nakalimutan ko na ang masasayang ala ala nating dalawa
Tapos na ang pakikipaglaro damdamin ng isa't isa
Wala na hindi na mababalik pa
Pagkat para sakin ika'y wala nang halaga
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PuisiMga tulang nabuo lamang ng malawak kong imahinasyon mga salitang nakakalap ko sa isipan ko mga nararamdaman ko at kung ano ano pa
