Spoken poetry#20

103 0 0
                                    


#Friendzone

Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit na zone
Hindi likezone
Hindi seenzoned
Hindi rin trafficzoned
Kundi friendzoned

Kumain ka na ba as a friend
Kamusta ka as a friend
Maganda ka naman as a friend
Ingat ka as a friend
At higit sa lahat mahal kita as a friend
Para walang aasa in the end

Bakit kasi nagkagusto ka sa isang kaibigan
Na alam mong imposibleng may puntahan
Imposibleng ika'y kanyang magustuhan
Dahil nga isa ka lang na kaibigan

Sana kasi kung kaibigan mo lang wag ka magpakita ng motibo
Para walang pusong mahuhulog sa iyo
Walang pusong aasa sa iyo
Walang masasaktan ng dahil sa iyo
Yaan tayo ang hilig magpakita ng motibo pero wala namang kayo

Sana kasi wag kang magsabi ng matatamis at mabubulaklak na salita kung kaibigan mo lang siya
Para walang iiyak at luluha
Walang pusong mawawasak at masisira

Sana alam mo ang kaibahan ng kaibigan sa nagpapafall lang
Kung kaibigan lang kaibigan lang
Wag nang hayaang mahulog pagkat di ka sasaluhin nyan
Matuto kang hindi lahat ng may mabubulaklak na salita ay mahal ka nga
Pagkat masasaktan ka lang kung aasa ka

Aasa ka na baka pwedeng maging kayo
Aasa ka na "teka baka mahal nya rin ako"
Yan ang hirap sa mga marurupok
Ang dali daling mahulog

Konting sabi lang na ingat ka nahulog ka na
Eh sya nga hinubaran na iniwan pa
Matuto kang hindi lahat ng gusto mo ay hindi para sayo
Hindi para sa iyo kasi may ibang nakalaan sa iyo

Antayin mo yung taong nakalaan para sa iyo sa tamang panahon
Kapag tama na ang lahat at kapag handa ka na talagang pumasok sa isang relasyon

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now