Spoken poetry #24

100 0 0
                                    

#kaibigan

Naranasan mo na bang magmahal ng higit pa sa sarili mo?
Naranasan mo na bang umasa kahit wala namang kayo?
Naranasan mo na bang mag aasume na may gusto sya sayo?
Naranasan mo na ba na masaktan kahit hindi naman naging kayo?

Hindi naman tayo pero umaasa ako
Hindi naman tayo pero nagseselos ako sa tuwing iba ang kasama mo
Hindi naman tayo pero nasasaktan ako
Hindi naman tayo pero minahal kita ng husto

Alam ko mahal, na mali itong nararamdaman ko para sayo
Alam ko mahal, na hindi dapat ako umasa sa mga matatamis na salita mo
Alam ko mahal, na hindi dapat kita minahal dahil wala namang tayo
Alam ko mahal, na kapag nahulog ako hindi ka naman handang sumalo

Oo alam ko, hanggang kaibigan lang ang turing mo
Oo alam ko, na hindi dapat kita ginusto
Oo alam ko, na siya ang laman ng puso mo
Oo alam ko, na pansamantala lang ako

Hindi naman dapat ganito
Hindi naman dapat ako umiiyak ng dahil sayo
Hindi naman dapat ako nagseselos tuwing magkasama kayo ng taong minamahal mo
Hindi naman dapat ako nasasaktan ng dahil sa iyo

Marahil tama ka na hindi dapat ako umasa
Marahil tama ka na sa una palang alam ko siya naman talaga ang nauna
Marahil tama ka na hindi ko dapat hinayaang mahulog ako sa iyo ng basta-basta
Marahil tama ka na dapat alam ko ang kung hanggang saan lang tayong dalawa

Kaibigan lang dapat diba hindi ko na dapat hinayaan pang mahulog sa taong nakalaan na sa iba
Kaibigan lang dapat diba kasi hanggang doon lang tayong dalawa
Kaibigan lang dapat diba kasi may mahal ka ng iba
Kaibigan lang dapat diba kasi hindi mo naman ako sasaluhin pagkat may hawak ka ng iba

A/N: you can also request a title or add me in facebook. Klea Sharlene Montedeo at yor service;-)

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now