#Hindi nga ba?
Ang bawat sandali ay sobrang saya
Kapag magkasama tayong dalawa
May sariling mundo at walang pakialam sa iba
Mga panahong mahal pa natin ang isa't isaPaano nga ba tayo humantong sa ganitong sitwasyon?
Na ang ating relasyon
Ay hindi na katulad noon
Na hindi na muli pang maibabalik ang ating pinagsamahan noonNasaan na ang pangako
Mga pangako na napako
Na sabi mo walang iwanan
Magkamatayan manSabi mo sa akin
Na ang lahat ay iyong gagawin
Wag lang ako ay mawala sa iyong piling
Pero teka, bakit ikaw ngayon ay di na akin?Mga pangako mo sakin na sa iba mo na tinutupad
Sa ibang tao ka na napadpad
Pangakong mong kailanman di na matutupad
At heto ako pilit tinatanggap na ang lahat ng iyong pangako sa akin ay di na matutupadHindi nga ba?
Pangako mong ako lamang ang babaeng iyong papakasalan
Ako lamang ang babaeng tanging pagaalayan
Ako lamang ang iyong babaeng mamahalin magpakailanmanHindi nga ba sabi mo?
Na sa altar ako'y dadalhin mo
Na ako ang gagamit ng apelyido mo
At ako lang ang magiging ina ng mga anak moPaano na ako?
Kung hanggang ngayon hindi ko parin tanggap ang pagkawala mo
Paano naman ang mga salitang binitiwan mo?Pero anong magagawa ko?
Kung sya na yung mahal mo
Na kahit anong gawin ko
Sya na yung dahilan ng pagngiti mo

YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryMga tulang nabuo lamang ng malawak kong imahinasyon mga salitang nakakalap ko sa isipan ko mga nararamdaman ko at kung ano ano pa