Spoken poetry #28

119 0 0
                                    

"Pangangalaga sa Katutubong Wika: Pangangalaga sa Wikang Pambansa

Wika, hindi bat ito ang ating ginagamit sa pakikipagkapwa?
Ang wika ang siyang nagsisilbing tulay sa pagkakaisa
Dahil kung walang wika, walang pag-unlad ang bansa
Naiisip mo ba, kung paano ang bansa kung walang wika?

Sabi ni Dr.  Jose Rizal na ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda
Bakit ang sariling wika ay ikinakahiya?
Mas pinipili ang lenggwahe ng ibang bansa
Huwag mong igaya ang wika sa jowa mong ikinakahiya ka sa tuwing magtatanong kung kasintahan ka ba niya

Ang katutubong wika ay unti unti ng kinakalimutan
Pinag-aaralan ang lenggwahe ng dayuhan
Ang kultura ay tinatalikuran
Dahil sabi ng kabataan "Ang korni naman"

Mas pinipili mo ang ibang bansa kaysa sa sariling wika
Katulad nya, mas pinili niyang magmahal ng iba kahit palagi kang nandiyan sa tabi niya
Sabi mo sa crush mo "saranghaeyo at Te Amo"
Akala niya tuloy minumura mo siya kaya naturn off sayo

Imbes na happy ending sa iba pa siya nagkagusto kasi hindi nya maintindihan ang sinasabi mo
Ang pangarap mong kayo'y hanggang dulo
Naudlot dahil sa ibang lenggwahe ang gamit mo
Tandaan mong nasa Pilipinas ka
Wala ka sa ibang bansa

Bakit natin kakalimutan ang mga tao noon na nagsakripisyo para sa ating kalayaan?
Bakit natin hinahayaang sakupin muli ng dayuhan?
Bakit natin hahayaang ang wika ay kalimutan na lang ng tuluyan

Bakit natin aalisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo?
Saan natin gagamitin ang lenggwaheng ipapalit nyo?
Magagamit ba yan kung sakaling sa palengke ay may bibilhin ako?
Bakit natin pinapalitan ng wikang banyaga hindi bat tayo ay Pilipino?

Mahalin ang sariling atin bago ang iba
Huwag natin kalimutan na  nagbuwis ng buhay at nagsakripisyo sila
Ang katutubong wika ay bigyang halaga
Katulad yan ng relasyon na dapat pinangangalagaan mo dahil baka mapunta pa siya sa iba

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now