spoken poetry#8

173 0 0
                                    

#baka sakali

Gusto kong simulan ang tulang ito
Mula sa pagbibilang ng numero
Baka sakaling mabago ko ang ikot ng mundo
At bumalik ka na sa piling ko

Isa,dalawa,tatlo
Mahal tatlo
Tatlong buwan na simula nung magkahiwalay tayo
Tandang tanda ko pa na magkasama tayo sa gitna ng malakas na buhos ng ulan kasabay ang pagpatak ng mga luha
Mga luha tanda na ako'y nasasaktan
Nasasaktang sa kinahinatnan ng ating istorya
Na sa simula palang alam kong ito'y panandalian lamang
Na darating rin ang araw na ako'y iyong iiwan

Tanda ko pa ang bawat sandali na tayo pa ay masayang magkasama
Ano nangyari bakit napagod ka na?

Ngunit mahal bakit ba minahal kita ng lubusan
Ngayon tulo'y ako'y nasasaktan
Di ko ito ginusto
Na mahalin ka ng husto
Pagkat alam kong sa sarili ko
Sa huli ako ay iiwan mo

Mahal isang tanong lang ang gusto kong sagutin mo
Mahal bakit bigla nalang nagbago at ipinagpalit ko ako?
Pakisabi naman ang dahilan mo
Kasi hanggang ngayon nalilito ako

Gusto kong itanong bakit ako pa?
Bakit ako pa yung napili na lokohin mo
Mahal bakit pinagpalit mo ako

Ano bang meron sya na wala ako?
Kilay ba? Sige magkikilay ako
Make up ba? Sige magmemake up ako
Bakit ganito please naman ayoko nito

Teka baka ayaw mo sa pagbibilang kaya abakada nalang ang ating kabisaduhin
Baka sakaling ikaw ay bumalik pang muli sakin

A alam kong una palang ay di na tayo magtatagal
Ba bakit ang bilis mo namang sumuko mahal
Ka kailangan ba talaga na ako'y masaktan
Da dapat nung una palang hindi ka nalang nagparamdam
E eto parin ako hanggang ngayon ay naiisip ka
Ga ganun ba talaga ang pagibig kailangan masaktan tayo para matuto
Ha hanggang dito na lang ba talaga? Wala na bang pag asa na baka sakaling maging tayo pa
I ilang beses ko nang tinanong sa sarili ko saan ba ako nagkamali para iwan mo na lang ako ng ganun kadali
La lahat na naman ginawa ko mahal hindi ba ako worth it?
Ma mahirap mahal ang hirap na kalimutan ka
Na nakita ko kung gaano kasaya kayong dalawa ng bago mo habang ako? Ito patuloy parin nasasaktan sayo
O oo tanga na kung tanga pero wala eh mahal kasi talaga kita ng sobra
Pa paalam na sa pag ibig na minsa'y naging ikaw at ako
Sa salamat sa lahat ng ala ala na ibinigay mo
Ta tanggap ko na na hanggang dito na lang talaga tayo
U umaasa ako na sa susunod na kabanata ng buhay ko masasabi kong sa
Wa wakas nakamove on at nakalimutan na rin kita
Ya yan ang masasabi ko sa oras na makamove on na ako sayo

Babangon ako mula sa pagkakalunod
At sa huli nating pagkikita at sasabihin mong mahal mo pa ako masasabi ko na sayong
Salamat ngunit nasan ka ng ikaw pa yung mahal ko

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now