"Ala-Ala"Kay sarap balik balikan
Ang ala ala sa ati'y nagdaan
Tila ba kung kailan
Tayo pa'y masayang nagkukulitan
Ang asaran
Ang kwentuhan
Ang matatamis na harutan
Nasaan na mahal ko?
Bakit bigla na lang nagbago?
Mahal bakit bigla mo na lang akong iniwan?
Di ba nangako tayo sa isa't isa na walang iwanan
Mahal bakit bigla ka na lang lumisan?
Ang hirap tanggapin na di na kita muling masisilayan
Na di na kita makakasama sa aking pagtanda
Ang mga pangarap nating di na matutupad pa
Mahal palagi kong binabalikan mula sa simula ng ating pagkikita
Hanggang sa dahan dahan kitang mahalin ng sobra
Hanggang sa mga pangako natin sa isa't isa
Mahal ang hirap Hindi ko kaya
Hindi ko kaya ng wala ka
Ngunit aking tatatagan
Kahit ang pakiramdam ko'y may napakalaking bato ang sa puso ko'y nakadag-an
May kirot sa puso ko na ang hirap pigilan
Pati ang pagtulo nang aking luha na tila walang katapusan
Ang pagtulo nang aking luha na walang katapusan ay katulad nang ating pagmamahalan
Mahal patawad kung wala akong nagawa
Mahal tandaan mo na kahit ikaw ay wala na
Mananatili ka parin sa puso ko sinta
Katulad ng pag agos ng tubig sa karagatan
Katulad ng mga patak ng ulan
Katulad ng pagikot ng daigdig sa kalawakan
Mahal aking panghahawakan
Ang mga pangako nating walang hanggan
Ang pag ibig kong sayo'y walang katapusan
Mahal magpahinga ka na
Marami ka ng napagdaanan
Mahal antayin mo ko jan
Magsasama pa tayo ng walang hanggan
Ikaw lang ang mamahalin ko magpakailanman
Mahal ito na ang araw ng iyong huling hantungan
Masakit man na ito na ang naging kinahantungan
Kahit na sa puso ko'y gusto ko na ring sumama sa hukay
Mahal ang hirap
Mahal tulungan mo akong muling bumangon at mangarap
Maranasan ko ulit ang buhay ay kay sarap
Mahal tandaan mo na marami man dyang iba
Sa puso ko'y di ka mapapalitan
Na sa bawat araw taglay ko pa rin
Ang alala nating dalawa
Paalam mahal ko
Salamat sa alalang iyong ibinigay sa akin
Ang ala alang aking iingatan
Salamat aking mahal
Sa ala ala mong binigay.......

YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryMga tulang nabuo lamang ng malawak kong imahinasyon mga salitang nakakalap ko sa isipan ko mga nararamdaman ko at kung ano ano pa