Spoken Poetry#19

114 0 0
                                        


#Walang lakas ng loob

Sa tuwing ikaw ay aking makikita
Araw ko'y sumisigla
Masilayan ang matatamis mong mga ngiti
At ang mala-rosas mong labi

Wala akong lakas ng loob para umamin
Dahil alam kong malabong ikaw ay maging akin
Alam ko rin namang ako'y di mo mapapansin
Sino nga ba ako? Isang hamak na lalaking sa iyo'y may pagtingin
Pero sa oras na ito pwede bang ikaw ay makinig sa aking sasabihin?

Wala akong lakas ng loob na umamin sa iyo
Na gusto kita, yan ay totoo
Wag mo sanang isiping ako'y bolero
Pagkat ang intensyon ko'y seryoso ako sa iyo

Wag mo sanang isiping ako'y manloloko o isiping ako'y babaero
Pagkat ikaw lang ang gusto ko
At ikaw lang ang laman nitong puso ko

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na sa iyo'y umamin
At sana'y wag mo sanang mamasamain
Gusto ko lang humingi ng tsansa sa iyo kahit katiting
Na ika'y pwede bang maging akin?

Asahan mong hindi kita lolokohin
Wag mong isiping ikay binobola ko lang din
Pagkat intensyon ko'y ika'y maging akin
Kahit wala kang pakielam sa akin

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now