#Dating tayo
Mahal, maaari bang ibalik ang dating tayo?
Yung ako lang yung mahal mo
Mahal, yung ako lang ang laman ng puso mo
Yung ako lang bukambibig mo
Yung ako lang ang babaeng sinasabihan mo ng I love you
Yung babaeng sinasabihan mo ng I miss youMahal, maari bang ibalik ang dating tayo?
Yung ako lang ang siyang bumubuo ng araw mo
Yung ako lang ang dahilan ng pagngiti mo
Mahal, yung ako lang yung babaeng binibigyan mo ng bulaklak na paborito ko
Yung babaeng hindi mo kayang mawala sa buhay mo
Yung dating tayo na ikaw at ako
Mahal yung ikaw at ako lang, yung walang siya sa buhay moMahal, maaari bang ibalik ang dating tayo?
Yung walang ibang nakakapagpangiti sayo kundi ako
Ako lang yung kailangan mo, mahal paano ba ibalik ang dating tayo
Mahal, yung pangako mo
Na walang iwanan kahit anong mangyari man hindi mo ako bibitawan
Dahil sabi mo, hindi mo ako papakawalanMahal, maaari bang ibalik ang dating tayo?
Yung ako lang ang nagmamay-ari ng puso mo
Yung ako lang ang babaeng papakasalan mo
Mahal, yung hindi mo pa siya nakikilala
Yung mga panahong hindi ka pa nahuhulog sa kaniyaMahal, maari bang ibalik ang dating tayo?
Yung masasayang lambingan at harutan
Yung pangako natin na magpapakasal tayo sa simbahan
Yung hindi mo ako papalitan kahit maraming ibang babae diyanMahal, paano ba ang makalimot sa ating relasyon
Paano ba ang mag-move on?
Paano ko haharapin ang bawat araw na wala ka na sa piling ko?
Mahal, paano ko tatanggapin sa sarili ko na iba na yung mahal moPaano maibabalik ang dating tayo kung hindi na ako ang mahal mo
Mahal, pakiusap naman bumalik ka na sa piling ko
Mahal, sandali lang wag ka munang bumitaw hahanap ako ng solusyon
Mahal, wag mo akong iwan dahil lang sa matinding emosyon
Patawad sa aking pagiillusyon
Sa aking mga imahinasyonDahil alam ko mahal, na hanggang dito na lang tayo
Na sa imahinasyon ko nandoon parin ang ikaw at ako, ang dating tayo
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryMga tulang nabuo lamang ng malawak kong imahinasyon mga salitang nakakalap ko sa isipan ko mga nararamdaman ko at kung ano ano pa