#Ikaw na kaya?
Mula nang una tayong magkita
Hindi ka na naalis sa isipan ko sinta
May kung anong himala
May kung anong hiwaga
Ang aking naramdaman nang magtama ang ating mga mata
Ikaw na nga kaya?
Na sa akin ay itinadhana
Na syang sa akin ay magpapasaya
Na habang buhay kong makakasama
Hindi ako sigurado sa kung anong meron tayo
Pero isa lang ang alam ko
Mahal kita at yan ay totoo
Hindi kita binibiro
Oo alam kong marami akong pagkakamali
Pero tinulungan mo akong itama lahat ng aking pagkakamali
Dinamayan ako sa lahat ng pighati
Salamat pagkat ikaw ay nanatili
Alam kong sa sarili ko hindi ako maganda
Pero salamat pagkat di ka bumabase sa itsura
Ikaw na nga kaya?
Ang nakalaan na habang buhay kong makakasama
Alam kong marami pa tayong pagdaraanan
Pero kaya natin ito diba basta walang iwanan
Palagi tayong magdadamayan
At relasyong walang iwanan kahit anong mangyari man
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryMga tulang nabuo lamang ng malawak kong imahinasyon mga salitang nakakalap ko sa isipan ko mga nararamdaman ko at kung ano ano pa
