#Dating Mundo
Mahal, umaasa parin ako sa mga posibilidad na magkabalikan tayo
Patuloy parin akong umaasa sa pangako natin na hanggang dulo
Umaasa akong baka isang araw muli kang bumalik at sabihin mong mahal mo pa rin ako
Mahal, kahit hindi na ako, hindi na ako yung dating nakakapagpangiti sayo
Yung dating ako, na siyang bumubuo ng araw mo
Mahal, yung dating ako, na laman ng puso't isip mo
Yung dating ako, mahal, yung dating ako na palagi mong kausap sa telepono
Mahal, yung dating ako, yung dating ako na tanging sambit ng mga labi mo na mahal mo ako
Na hindi 'yon magbabago ang nararamdaman mo
Na kahit marami mang iba diyan ako lang ang mahal mo
Na walang ibang makakapantay sakin kundi akoYung dating ikaw at ako
Ikaw at ako,ikaw at ako, ikaw at ako sa dating mundo
Ikaw at ako, ikaw at ako, ikaw at ako sa dating tayo
Ikaw at ako, ako at ikaw, ikaw at ako, ako at ikaw pagbalik- baliktarin man ang mundo hindi na mababalik ang dating tayoHindi ko inaasahan na sa mabilis na pag ikot ng mundo ay mapagiiwanan ako
Tinangay ka na ng agos ng mundo at napunta na sa ibang tao
Baka sakaling magbago ang ikot ng mundo, baka sakaling tangayin ka muli pabalik sa piling ko
Oo, mahal pa rin kita, ikaw parin ang laman ng puso ko, ikaw parin ang tinitibok nito
Mahal, ikaw parin kahit hindi na akoNandito parin ang mga ala ala,taksil ang bawat memorya dahil kahit anong gawin ko palagi parin kitang naalala
Na kahit sabihin ko sa sarili ko na tama na kasi nasasaktan ka na, patuloy parin akong umaasa
Ang bawat ala ala, ang dating ala alaYung bawat ala ala sa dating ikaw at ako, bawat ala ala na palagi ko paring naalala
Yung ala ala natin na matatamis na palitan ng mensahe sa isa't isa
Yung ala ala na yung bawat ngiti mo sa akin sa tuwing tayo'y magkasama
Yung mga ala ala, na madalas tayong asarin ng barkada
Yung ala ala, na bawat banat mo kahit korni man ako'y natatawa
Yung ala ala, na sabat tayong pumasok at umuwi galing eskwela
Yung ala ala, na bawat kapit mo ng mahigpit sa kamay ko na sinasabing hindi mo na ako papakawalan pa
Yung ala ala, yung ala ala na sabay tayong magmeryenda
Yung ala ala, na magkasama tayong kumakain ng fishball,kwek kwek, at kikiam sa may bangketa
Yung mga ala ala, yung bawat halik sa pisngi at yakap mo sakin sabay sasabihin mong mahal kita walang iba
Yung mga ala ala, yung bawat ala ala kung saan mahal pa natin ang isa't isaNakalimutan ko na ang kalimutan ka
Patuloy parin ako nakalubog sa nakaraan na minsang naging ikaw at ako sa magulong mundo
Taksil ang bawat ala ala, taksil ang bawat memorya na hindi ko parin makalimutan ka
Kasabay ng pag ikot ng mundo kasabay ng pagbitiw mo sa mga pangakong hindi ka makakahanap ng iba, na walang papalit sa pwesto ko
Sadyang mapaglaro ang tadhana, bukas ,makalawa, bigla ka nalang nawala at napunta sa ibaMananatiling ikaw kahit hindi na ako
Ikaw at ako sa dating mundo , sa dating tayo na pinanghahawakan ko
Isang linya mahal, isang linya ng kanta ang tumatak sa aking isipan "kung di rin tayo sa huli, aawatin ba ang sarili na umibig pang muli" mahal, makakaya ko pa bang makahanap na papalit sayo
Makakaya ko pa kayang magmahal muli bukod sayo
O kung makakalimutan ko pa bang minsan na naging ikaw at ako sa dating mundo

YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryMga tulang nabuo lamang ng malawak kong imahinasyon mga salitang nakakalap ko sa isipan ko mga nararamdaman ko at kung ano ano pa