Spoken poetry #31

88 0 0
                                    

Sambit ng iyong labi ang salitang mahal kita... Habang yakap mo ako ng mahigpit.
Inulit mo pa ng dalawang beses ang salitang mahal kita... Mahal kita pero hanggang dito na lang talaga.

Ako nga pala si Dina
Di na niya mahal at di na pinaglaban
Oo nga pala paano mo ako ipaglalaban eh hindi nga pala ako kagandahan
Sa panahon kasi ngayon dede na ang basehan ng pagmamahalan
Mukha na ang binabasehan at kahit gaano man kabuti ang iyong kalooban kung hindi ka maganda iiwan at iiwan ka pa rin niyan

Pinanghawakan ko ang sinabi mo na iba ka sa kanila
Pero mali ako, dahil kapareho mo lang din pala sila
Pinamulat ko rin sa sarili ko ang pangako mo na "Mahal kita walang iba"
Pero bakit kaunting away lang natin lumandi ka na sa iba?

Pero kahit na ganun, konting lambing mo lang bumabalik na naman ako
Wala e sobrang marupok ako pagdating sayo
Sabi mo mamahalin mo ako hanggang sa huling sandali ng buhay mo
Pero bakit sinasabi mo na hanggang dito na lang tayo

Mahal, wala pa nga tayo sa kalagitnaan
Sumusuko ka na sa laban
Sa kaunting bangayan at tampuhan
Hiwalayan ba ang kasagutan?
Ito na nga ba ang ating kahihinatnan
Ang tapusin ang relasyong ating sinimulan?
Hahayaan mo bang tayo ay magkasakitan dahil lang sa hindi pagkakaintindihan?

Tanungin mo naman ako kung okay lang ba sa akin ang desisyon mo
Kung kakayanin ko ba na mawala ka sa buhay ko
Ayusin natin ang pagkakamali at gulo
Mahal, wag ka namang sumuko

Kumapit ako sa salita mong "hindi kita bibitawan"
Pero ngayon bakit sinasabi mong ang solusyun sa problema natin ay hiwalayan?
Sabi mo hindi mo ako hahayaang masaktan
Mahal, bakit ngayon ako'y nasasaktan at ikaw ang dahilan

Pangarap natin na hanggang mangarap na lang
Mga pangakong hanggang salita na lang
Mga ala alang manantiling ala ala na lang
At tatanggapin na lang ba na tayo'y hanggang dito na lang

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now