"Jesse.." sambit nya.
Tumayo ako ng walang pagdadalawang isip at agad na yumakap sa kanya. Naiiyak na ako sa saya.
"Joshua! San ka galing? Bakit ka nga pala nandito?" Mausisa kong tanong. Nakita ko naman na hindi mapigilan ni Bry ang mapangiti. Alam nya kasi ang sikreto ko.
Matagal ko nang crush si Joshua. Bata palang kaming tatlo nina Joshua at Jacob. 12 years old na ako nung maramdaman ko na gusto ko na pala sya. Pagdating sa mga crush ko, hindi ako yung tipong mahihiya-hiya pa.
"Belaaat!!" Pang-aasar saakin ni Joshua. "Ano ba?!" Kumakain kasi ako nang bigla silang nanggulat kaya nabuga ko lahat ng nasa bibig ko. Tumayo ako at parehas ko silang binatukan. Kahit ako lang ang nag-iisang babae sa amin, hinding hindi ako napag-iiwan pagdating sa mga kalokohan. "Kahit kelan talaga, ikaw ang pinaka-mapisikal sa atin!" Bulalas ni Jacob at sabay-sabay nalang kaming tumawa. "Up here!" Sigaw ni Joshua. Nag-alangan naman akong makipag-up here sa kanya dahil madumi ang kamay ko. Isa pa, nahihiya din ako, sa hindi ko malamang dahilan.
"Dito na kami for good!" Masiglang sigaw nya. Napatalon naman ako sa tuwa at niyakap nya naman ako, dahilan para mamula ako. Nakita ko naman si Bry na di mapigilan ang tuwa. Para syang nanalo sa lotto sa tuwa dahil napapalundag-lundag pa ito. Hayss. Napaka harot talaga ni Bry.
Napabitaw naman agad si Joshua sa akin dahil medyo naging awkward na ang sitwasyon. "Sige, aalis na din kami, see you next time!" Paalam ko sa kanya. Ngumiti naman sya at kumaway sa akin.
"Ayyyiiiieeeeee!!!!" Bulalas ni Bry paglagpas namin sa park. Hayss. Kahit kailan talaga. "Kakilig naman bes!" Napatawa nalang ako sa sobrang saya nya. Napakasaya naman ni bes 'no? Sinuway ko nalang sya ng napagtanto ko na napagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid. Akala siguro nila ay mga shunga kaming tambay sa kalye. "Tara na nga!" Hayss, nakakahiya.
Hanggang sa pag-uwi namin ay hindi sya tumigil sa kakakwento kung gaano sya kasaya nung nakilala nya si Carlo. Nakilala nya pero hindi sila nagkakilala. Hayys. Minamalas ata ako at sumabay pa ang traffic kaya sobrang haba ng kwento ni Bry. Bukod sa pagiging loyal nya ay madaldal din sya.
Napakamot-ulo nalang ako. "Oh bes, oh. Inom ka muna. Baka ubos na laway mo kakadada mo dyan eh." Napatigil sya sa pagkekwento at bigla syang napasimangot. "Bes naman eh, minsan na nga lang akong maging masaya eh." Binigyan ko naman sya ng weh-di-halata look.
Kinuha nya ang tubig at uminom mula doon at saka ulit nya tinuloy ang pagkekwento. Habang ako naman ay napatulala nalang sa kawalan.
Kailangan ko nang sabihin sa kanya ang totoo. May karapatan sya doon. Hayss, ang hirap naman neto..
______________________________
"Joshua. Wag mo ko iwaan.. Joshua!" Bigla nalang akong napabangon sa gulat. Hayss. Panaginip lang pala.. "Hoy panget ano ba yan? Can't you see?? Natutulog ako dito oh." Iritang sabi ni Ken. Wah! Anong panget? May pangalan ako 'no?! Kambal ko nga pala, si Ken. Physically alike pero mentally, and emotionally different kami ni Ken. Waah. My bleed is nosing.
Magkaiba kami ng school kaya hindi rin kami magkaklase. Magkaiba kami ni Ken dahil masungit sya at minsan nagiging kamatis kapag nagagalit. Natawa nalang ako ng malakas ng maimagine ang itsura nya pag nagagalit sya. Maya-maya biglang napabangon si Ken. "Panget ano ba?! 12:30 na, matulog ka na nga!" Iritang sabi nya sa akin. Sayang at nakapatay ang ilaw kaya hindi ko nakikita ang pag-aanyong kamatis nya. Sayang.
Napaisip naman ako dahil sa panaginip ko. Si Joshua ang nasa panaginip ko. Magkaharap kami at may sinabi sya sa akin pero hindi ko na maalala kung ano yon. Pagkatapos nyang magsalita, biglang may tumulong luha mula sa mga mata ko at dahan-dahan syang tumayo at tumalikod paalis. Hindi nya na ako nilingon pa.
Naglalakad ako pauwi habang umaagos ang mga luha ko. Grade 3 palang ako. Napagalitan ako ng teacher namin dahilan para mapahiya ako sa buong klase. Pan-limang sunod-sunod na late ko na yon sa first week ng school year kaya hindi ako nakaka-abot palagi sa first subject. Hindi ko naman masabi sa teacher ko na wala kaming pamasahe dahil si Papa ay tricycle driver lang habang si Mama naman ay nagtatrabaho sa jewelry store na pag-mamay-ari ng tita ko. Sobrang hirap kumita ng pera kaya sinabi ko na maglalakad nalang ako tuwing papasok at uuwi. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko, nakabunggo ako ng isang batang lalaki. Namukhaan ko naman agad sya dahil kaklase ko sya. Nahulog lahat ng gamit ko kaya yumuko agad ako para damputin yung mga nahulog. Tinulungan naman ako ng lalaki na nakabunggo ko. Nakikita ko sya palagi pero parang may nagtutulak sa akin na huwag nalang syang kilalanin dahil pinangungunahan ako ng hiya. "Salamat." Sabi ko nang makuha ko na lahat ng gamit ko na nahulog sa sahig. Yumuko ako at pinigilan ko ang sarili ko na suminghot pero hindi ko nagawa. Nagulat naman ako ng bumungad sa akin ang isang kulay blue na panyo. Napa-angat agad ang ulo ko. "Umiiyak ka ba?" Tanong nya. Napatulala nalang ako sa kanya. "Tahan na. Alam ko namang pinagalitan ka ni teacher." Yumuko nalang ulit ako dahil wala akong masabi. Kinuha ko ang panyo at ipinunas ko sa mga mata ko. "Salamat." Ulit ko pa. "Sige sayo na yan. Madami pa naman ako nyan sa bahay." Tawa nya. Napangiti nalang ako. "Ako nga pala si Joshua. Ikaw, anong pangalan mo?" Tanong nya sa akin. "Jesse." Sagot ko. Magmula noon ay naging magkaibigan na kami.
Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.
____________________________
Guys on-going pa po ang story na ito. Sorry na di ko kayo na-inform. Thank you for reading!!😘❤️
BINABASA MO ANG
The Three of Us (on-going)
Roman pour AdolescentsBata palang magkakakilala na kami. Naging magkakaibigan hanggang sa naging magbe-bestfriends. Pero paano nga ba ang friendship kapag gumitna na saamin ang love? Mananatili parin ba yung dating pagkakaibigan namin?